Gayuma

430 20 1
                                    

Taong 2012 nang mangyari ang lahat.

Tawagin niyo na lang akong Anna. Biktima ako ng gayuma, marahil hindi kapani paniwala pero totoong nangyari sakin to.

Noong mga panahong nagayuma ako, halos hindi ko alam ang mga nangyari or ginawa ko. Ayon sa nanay at tatay ko, madalas akong tulala at hindi natutulog at kumakaen. May oras pa na bigla na lang akong nagwawala or nawawala. Hanggang isang araw may isinama akong lalaki sa aming tahanan, at lahat daw sila ay nagulat ng ipakilala kong nobyo ang lalaking kasama ko. Sa kabila ng itsura niya ay maluwag pa rin siyang tinanggap ng magulang ko (Oo, pangit talaga siya).

Pero habang tumatagal ay lalong lumalala ang nangyayari sakin, halos maging buto't balat na ko. At don sila nagpasya na patignan ako sa doktor, pero walang nangyari hanggang napadpad kame sa isang manggagamot/albularyo. At doon, doon nakumpira na nagayuma nga ako. Pilit akong lumaya sa kanya, ayaw na rin siyang komprontahin ng magulang ko. Pero mapilit siya, humihingi siya ng tawad sa mga magulang ko at pinagpipilitan na dadaanin niya na lahat sa tamang paraan.

Lumipas ang maraming taon, pilit kong kinalimutan lahat ng nangyari sakin. Pero hindi pa pala don natatapos ang lahat. Dahil hanggang ngayon ay nakikita ko siya. Madalas nakikita ko siya sa labas ng opisinang pinagtatrabahuhan ko. Halos mabaliw na ko. Hindi ko alam kung saan o kanino ako lalapit. Natatakot ako na walang maniwala sa mga sasabihin ko, sa ginawa niya sakin. Wala na lang akong magawa kundi umiyak sa takot. Sana isama niyo kong lahat sa mga panalangin niyo, na sana ay tigilan na niya ko.

Marahil di makatotohanan, pero totoo pala ang gayuma. Kaya mag ingat din kayo sa mga pinupuntahan niyong lugar, sa mga taong nakikilala niyo.

-End-

Spookify StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon