Multo na lang ang 'di nang-iiwan

117 3 0
                                    

Isa ako sa mga special na tao sa mundo na may abilidad o yung sixth sense na sinasabe nila. Isa rin to sa naging dahilan kung bakit ako naging mailap sa mga lalaki o sa pagboboyfriend. Although, hindi tlaga ako pwede magboyfriend kasi bawal pa kasi tlaga. Natatakot kasi ako na baka pag nalaman nya na nakakakita o nakakaramdam ako ng mga di maipaliwanag na bagay e matakot sya sakin o tawagin nya pa akong baliw. Tanggap ako ng mga magulang ko. Sila Daddy nga nasanay nlng na bgla nlng ako may ituturo sa kanila sa banda doon. Yung bgla nlng akong magsasalita ksi may pinapaalis ako o may kinakausap na pala ako ng hindi nila nakikita. Akala nga nila nababaliw na ako nun or baka abnormal ako pero natanggap din naman nila ako. Even sa mga friends ko. Ang tanging nakakaalam lang is yung mga closest friends ko tlaga. Pero wala di naman mapipigilan ang puso e nainlove din ako. Landi. Char. Ayun nagkaJowa ako. Nagkajowa ako ng takot sa mga taong may ability o nakakakita ng kahit ano. Nalaman ko to nung one time na may kinuwento sya sakin na kaibigan nya daw na nakakakita daw at sbe nya nilayuan nya daw tlaga yun. Sympre natakot ako at nag alala baka pag nalaman nya to e iwanan nya ako. Kaya kinausap ko kagad yung mga friends ko na walang sasabihin sa kanya about sakin. Sympre ligtas sa parents ko. Bawal ako magkaBf e Hahahahahahahaha. Si Mommy lang nakakaalam. Hahahaha.

Going back sa kwento ko, naging normal ako sa loob ng 3 months na naging kami ni Nate. Nickname yan ng Boyfriend ko. Oo normal, as in binalewala ko lahat ng nakikita at nararamdaman ko para lang sa kanya. Pero may isang pangyayari na hindi ko talaga inaasahan.

Nung nag 4 months kami, nagdecide siyanh dalhin ako sa bahay nila at ipapakilala nya daw ako sa Family nya. Sympre ako naman todo ayos ako. Char. Nagpractice ako ng mga lines ko yung mga sasabihin ko para di ako magkamali o mapahiya sa harap nila. Hahaha. Nung sinundo nya na ako mejo di naging maganda yung pakiramdam ko. Kinabahan ako. Siguro nga excited lang ako. Kaya di ko nlng pinansin. Nung nasa harap na kami ng gate nila, hindi na tlaga maganda yung pakiramdam ko. Hindi maganda yung awra ko sa bahay nila. Napakabigat sa pakiramdam. At alam ko naman kung ano yung nararamdaman ko. Pero sympre inichapwera ko nlng yun. Unang hakbang ko sa may pintuan nila may humawak na tlaga sakin. Jusme naman. Sbi ko wg nila sirain yung gabi ko. Kaso wala. Ang lakas nila nanggigil ako sa mga hitsura nila. Oo nila, kasi ang dami nila. Siguro mga apat sila. Naging maayos naman nung una. Ang nandoon is yung Papa at Mama nya palang. Yung mga kapatid nya daw is nasa taas pa.

Nung natapos yung interview sakin nung mga magulang nya, naging maayos naman. Edi nakahinga na ako ng maluwag nun. Nung hapagkainan na dun na may nangyaring di maganda at di ko naman sinasadya yun.

Mama nya: Anak tawagin mo na nga yung dalawang kapatid mo para naman mapakilala na natin si Celestine sa kanila.

Nate: Sige Ma. Wait lang baby ha

Tapos tumango lang ako at nagSmile sa boyfriend ko. Mga 2mins lng sguro bumaba na din sila. Mga bata pa pala sila. Tas ayun pumwesto na sila para kumain. Natutuwa ako sa kanila kasi napakadaldal nila. Bukod lang dun sa isang batang babaeng kapatid nya na tahimik at di man lang talaga tumingin sakin.

Ako: Nakakatuwa po yung mga anak nyo po no ang dadaldal masydo Tita

Mama nya: Ayy oo iha naku ikaw ang mapapagod sa kanila

Ako: Pero bakit po siya *sabay turo ko dun sa isang bata* ang tahimik nya po kasi

Nagulat naman ako kasi sabay sabay silang tumingin talaga dun sa tinuro ko. Tapos yung mga mukha nila parang nagtataka na natatakot. Napamura nlng ako sa isip ko.

-

After that night, kinabukasan agad. Nagbreak kami. Inamin ko sa kanya lahat. Nako mga beshy, dalawa lang pala kapatid nya. Akala ko tatlo. Malay ko ba. Akala ko nung una matatanggap nya ako, pero hindi pala talaga. Tandang tanda ko pa yung sinabe nya sakin nun,

""Ayoko makipagrelasyon sa baliw..""

KINGINA MO! Dalawin ka sana ng mga multo sa insidious 1, 2, 3 pati sana si Annabelle bumisita sa panaginip mong hayup ka! Oo bitter ako. Di naman ako baliw e. Oo alam ko, konti lang ang makakaintindi sakin, pero sana naman bago kayo manghusga e sana naman tanungin nyo muna kami kung ginusto din namin to.

Kakayanin nyo ba yung gusto nyo mag emote ngayon. Sinasabe mo pa sa sarili mo at sa ibang friends mo na, "Gusto kong mapag isa!"

Ehh tanginang yan hindi mangyayari sakin yan dahil andami namin sa loob ng kwarto ko.

-End-

Spookify StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon