Year 1997 nung bawiin ni Lord yung buhay ng lolo ko, nung time na yun 8 years old pa lang yata ako, at nag iisang anak pa lang ako ng parents ko that time. So sa lahat lahat sa aming magpipinsan, ako yung pinaka paboritong apo ng lolo ko. Dahil na rin siguro na siya ang nag aalaga sa akin. Umaga pa lang kasi umaalis na mother ko para magwork tapos yung father ko naman ay ofw. So literal na spoiled brat talaga ako, lahat ng gusto ko ibibigay niya. Pag may gusto ako na laruan bibilhin niya. Pag gusto ko gumala sa mall kahit may lagnat ako igagala pa rin niya ako para lang maging happy ako.
Sa San Mateo, Rizal na ako lumaki, pati na rin yung mga pinsan ko. Naalala ko pa medyo bagong lipat pa lang kami noon sa village na tinitirhan namin. Tapos isang umaga na lang ginigising ng mother ko yung lolo ko pero hindi nagising, dinala nila agad sa isang hospital sa Marikina. Wala ako sa bahay nung tinakbo siya sa hospital kasi kasama ko yung pinsan ko na nakikipaglaro sa ibang mga bata sa labas. Kaya pag uwi ko sa bahay nagulat ako nung sinabi ng isa ko pang pinsan na dinala sa ospital si lolo. Akala namin iiwan na niya kami pero buti na lang daw at naisugod agad si lolo sa hospital.
After 2 days nakauwi na siya sa bahay pero di na siya makapagsalita, di na rin siya makalakad ng maayos. After 1 week, tanghaling tapat sinugod ulit siya sa hospital, gusto ko sumama sa kanila pero di ako pinayagan ng mother ko. Bago sila umalis ang sabi lang ng mother ko, ipagpray mo si lolo mo. Kinagabihan, binawian na siya ng buhay. 1 week after siya mailibing, tuwing 4am nagigising ako dahil naririnig ko yung boses ni lolo na ginigising niya yung tito ko. Siya kasi taga gising ng tito ko kasi sa pasay pa nagwowork. Kinuwento ko sa family ko, sabi nila ako lang daw ang pinagpaparamdaman ng lolo ko.
Sumunod dun, lagi na rin ako nakakarinig ng yabag ng paang naglalakad sa bahay namin kahit ako lang ang tao sa bahay. 1 year na nakalipas at nakapag move on na kami sa pagkamatay ni lolo. Nasa school ako noon, last subject na bago magrecess, nagulat ako nang tawagin ako ng teacher ko. Sabi niya "" Ian, nasa labas yung lolo mo, pinapa excuse ka saglit"". Ako naman nawala sa isip ko na 1 year ng wala si lolo, so ginawa ko lumabas ako tapos niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. Ang suot niya yung lagi niyang porma na nakawhite shirt na plain lang tapos maong pants at slippers.
Pagyakap ko sa kanya sabi ko pa ""Lolo pahinging pera"" tapos binigyan niya ako ng 5 pesos na papel. Since bata pa ako nun, ipinangbili ko ng sipa yung pera instead na tinago ko daw sana sabi ng mother ko. Kinilabutan silang lahat sa bahay nung kinuwento ko yung nangyari pag uwi ko. Ang nakapagtataka pa, nung recess time na, hinahanap ko yung lolo ko. Sabi ko kasi sa kanya ""Sandali may klase pa po ako"" pero ni isang classmate ko hindi daw nila nakita si lolo. Pero yung teacher namin nakita naman niya. Medyo creepy pero natuwa din ako kasi kahit wala na siya, parang feeling ko binabantayan niya pa rin ako. At nayakap ko pa siya.
Pagkatapos nung mangyari, wala na ako gaanong naririnig na naglalakad sa bahay, pero lagi ko siyang napapanaginipan. Pinaka huling panaginip ko naglalakad daw si lolo tapos hinahabol ko siya, di ko siya maabutan. Tinatawag ko siya pero di siya lumilingon, tapos may pinasukan siyang bahay. Which is yung bahay eh playstation rent shop dati, tapos nung pumasok ako sa bahay na yun, yung loob ng bahay naging simbahan. Yung literal na itsura ng loob ng simbahan na may altar. Nung nagising ako ang nasabi ko na lang ""Siguro ibig niya sabihan dun, okay siya at kasama niya na si Lord sa langit"".
-End-

BINABASA MO ANG
Spookify Stories
HororMga kwentong nakakakilabot, kababalaghan, base sa katotohanan. Source: Spookify ©SpookifyOfficial