May 26,2016.
Naaksidente kami sa motor ng pinsan ko nung pauwi na kami sa kanila at puro sugat ang inabot namin. Pagkauwi namin ginamot muna namin mga sugat namin at natulog na kami agad sa sobrang pagod. Pero sa sobrang sakit ng sugat ko sa tuhod nagigising gising ako. Siguro, mga 5am nung bumangon ako saglit at umupo para tignan yung sugat ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Yung pinsan ko naman katabi ko lang din at natutulog pa sya. Pero nagulat nalang ako nung nagising sya at parang nagulat habang nakatingin sa may paanan ko. Ako naman, tinignan ko lang sya tapos sinubukan ko nalang matulog ulit. Nagising siguro kami mga 9am na yun, kinuha ko yung cellphone ko sa ilalim ng unan ko para magfb sana. Pero nagulat nalang ako nung makita ko yung phone ko na may mga patak ng kandila. Kaya pagkagising ng pinsan ko, tinanong ko sya agad kung bakit kaya may mga patak ng kandila yung phone ko, e wala naman akong maalala na nagsindi kami ng kandila at isa pa nasa ilalim ng unan yung phone ko. Tapos, nagkwento na sya saken. Sabi nya 'Alam mo ba kung bakit ako nagulat kanina'? Sabi ko, 'bakit'? Sabi nya 'May nakita kasi akong batang babae sa paanan mo kanina, nakatingin sya sa sugat mo at binabantayan ka'.
Kinilabutan ako nung kinuwento ng pinsan ko yun saken. Kasi nakakakita talaga sya at madaming beses na. Iniisip namin kung sino yung batang nagbabantay saken kanina. Tsaka lang namin naalala na may tita pala kami na may baby girl na nasa heaven na. Naalala din namin bigla na dun pala mismo sa kwarto na yun pumanaw si baby girl. Pagkauwi ko, sinabi ko agad yun sa mama ko at yung sa mga patak ng kandila sa phone ko. Hindi ko alam pero sa tingin ko humihingi sya ng prayers mula sa aming pamilya.
Thank you sa pagbantay mo saken baby girl.
Sabi sakin ni tita kaya ka siguro nagparamdam kasi malapit na daw birthday mo. Happy Birthday Baby Angel. Don't worry, ipagdadasal ka namin palagi.
-End-
BINABASA MO ANG
Spookify Stories
HororMga kwentong nakakakilabot, kababalaghan, base sa katotohanan. Source: Spookify ©SpookifyOfficial