Okay nangyari ito May 24,2016.
Nanonood kami ng mga kapatid ko ng isang latin show and aliw aliw sila that time.
Sarado ang lahat ng ilaw at tanging ilaw na nagmumula sa tv lamang ang nagsisilbing ilaw namin.
Nakatapat ako sa bintana namin which is jalousie type so kapag sinara mo may reflection from the outside.
Busy akong nagbabasa ng Spookify nun and I felt something, may kakaiba within the windows kasi biglang bumigat ung pakiramdam ko.
Kaya I decided to look for it.Unti unti kong inangat ung ulo ko at pilit na sinulyapan ung bintana at nanlaki agad mata ko sa nakita ko.
May figure ng tao ang kumakaway sa bintana. Hindi ako nakapagsalita nung una kasi akala ko kung ano.
Then, bigla kong nilihis ung paningin ko sa bintana at inisip na baka joke lang un. Pero parang may humihila sa akin at sinasabing tignan ko un. Kaya tinignan ko ulit at nagulat ako ung ulo niya nilalapit nya sa bintana so ung figure ng tao is lumalaki. Nagawa pa niyang tumayo at umupo sa upuan namin kaya tinawag ko na ung mama ko ng mahina at sinabing may kung ano sa tabi mo. *katabi kasi ni mama ung bintana*
So binuksan niya, then sabi niya wala . Kinwento ko sa kanya ung nakita ko pero hindi siya naniwala at sinabing mga lasenggo lang daw un na umiinom sa labas. Sinilip ko yung labas pero katapat ng bintana namin ung madilim na bahay.
So sinara ni mama ulit yung bintana. Biglang sumakit din ung dibdib ko at akala ko nawala na pero biglang kumaway ulit siya at bumilis yung paglapit ng ulo sa bintana.
The fact na gusto niyang pumasok sa bahay. So pumikit ako at inisip si God then nawala.
Sabi ko kay mama nagpakita ulit pero hindi parin siya naniniwala Pinatulog na lang kami at nagpray na lang ako na protektahan kami.
Kinabukasan nagpasalamat ako kasi hindi na ako nagkaroon ng sleep paralysis at tumigil na ung incubus na nagpapakita sa panaginip ko.
So always remember po that GOD is our SHIELD.
-End-

BINABASA MO ANG
Spookify Stories
HorrorMga kwentong nakakakilabot, kababalaghan, base sa katotohanan. Source: Spookify ©SpookifyOfficial