I was once a Suicidal

114 2 0
                                        

Naging bully ako noong nasa elementary school pa lamang ako. Ngunit ang gulong ng buhay ko ay pumailalim simula noong tumapak ako sa Secondary school. Kung noon bully ako, ako naman ang na-bully noong nasa high school na ako. Biktima ako ng cyber-bullying. Naging mahina ako. Inaway narin ako ng mga kaibigan ko sa walang kwentang rason. Nagkaroon ng problema sa pamilya. Oo, may mga kaibigan ako, ngunit hindi sila yung tipong mapagsasabihan mo ng mga bagay na pumapasok sa isipan mo kapag inaatake ka ng anxiety. At dahil sa wala akong mapagsabihan ng mga ito, naging bisyo ko ang pagseself-harm and to be honest, it had been my remedy, just to get through a day. Everyday, naglalaslas ako sa mga taong 2013-2014. Naging aware ang pamilya ko sa ganitong sitwasyon at sa halip na tulungan ako’y tinawag pa na Psycho at kinakailangan daw kong dalhin sa Psychiatrist. Masakit yun, oo, dahil don ay mas naging grabe pa ang pagseself-harm ko. Paggraduate na ako noong high school nang pinili kong mag-reconcile sa parents ko at sabihin lahat nang pinagdaanan ko sa apat na taon sa school. Naging okay naman kami. Tumigil ako sa pagsakit sa sarili ko noong pumasok na ako sa Kolehiyo. Pinasok ako ng mga magulang ko sa isang Baptist School sa Syudad. Nakatagpo ako ng mga mabubuting kaibigan. Ngunit hindi ko maipagkakaila na ang mga boses na pumapasok sa aking isipan ay naandyan parin.

NGUNIT nagbago ang aking buhay dahil lamang sa isang LUCID Dream noong 2015. Oo, maisasabi kong lucid dreaming yun sapagkat maikukompara ko ang aking karanasan sa mga stories na tungkol dito. Kontrolado ko ang aking katawan, nasa madilim ako na lugar. Nakita ko ang aking katawan na nasa ere, may lubid sa aking leeg, ako ay nagbigti. Ang pamilya ko, mga kaibigan ko sa kolehiyo at noong highschool ay nandun. Umiiyak, nalulungkot sa aking pagkawala. Ang pinakamasakit na bahagi ng panaginip na iyon ay ang pilit kong hawakan ang aking nanay ngunit hindi ko siya mahawakan. Pinagsisigawan ko sa kanya na “Mama, mahal kita! Patawad sa aking nagawa!” ngunit hindi niya ako marinig. Gusto ko siyang yakapin, gusto ko mabuhay muli. Gusto kong humingi ng tawad at patawarin ang mga taong may nagawang kasalanan sa akin. Narinig ko rin ang aking ama, sumisigaw ng “Anak, bumalik ka. Ibibili kita ng libro na gusto mong basahin. Please, bumalik ka.” Napakasakit. Napakasakit makita ang mga mahal mo sa buhay na umiiyak sa pagkawala mo. Hindi ko manlang inakala na may mga tao palang nagmamahal sa akin. Na meron din palang may pake sa akin. Hindi ko inakala na ang sakit na naidulot ng panaginip na iyon ay tila mas masakit pa sa mga pinagdaanan ko sa buhay ko. Tila totoo ang damdamin na nakuha mula sa panaginip na iyon.

Dahil sa isang panaginip, nalaman ko ang pakiramdam na mamatay at makita ang mga tao na ang nagdurusa sa aking pagkawala. Mula sa isang panaginip, natuto akong pahalagahan ang buhay ko at nagsimula na rin akong i-appreciate ang presence ng bawat tao sa mundo, kahit na puro pasakit ang dulot nila sa akin. Aaminin ko, hanggang ngayong 2017 ay depressed pa rin ako. Inaatake parin ako ng anxiety, bumalik sa self-harming. Pero ngayon iba na, kahit na ang daming rason para magpakamatay, humahanap ako ng isang rason para mabuhay. At sana sa makakabasa nito, alam kong ang hirap mabuhay sa mundong puro pasakit ang dala ng tao sa’yo, na napakahirap na talaga makakita ng kaligayahan pero maging matatag ka, kahit hindi na para sa sarili mo kundi para sa mga taong nagmamahal sa’yo.

- End -

Spookify StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon