The Gift

379 19 0
                                    

Nangyari ito noong 4th year High school ako. Year 2009 yata.

2nd year HS kasi ako nang mamatay ang Mama ko (Tita ko siya pero siya kasi nagpalaki sakin). Every week namin siyang dalawin kahit pa malayo ang sementeryo na pinaglibingan namin.

One day, dumating yung ate ko na nagtratrabaho sa Baguio, may dala siyang maraming fresh flowers kaya agad namin dinalaw si Mama. We stayed there for almost 3 hours, gawain ko na kasing kwentuhan si Mama ng mga nangyayari samin na naiwan niya.

Pauwi na kami noon, palabas na ng sementeryo, nasa likod ako ng ate ako, nagkwekwento siya at ako naman patingin tingin sa paligid. Hanggang sa mapadako yung mata ko sa isang puntod, may babae doon na nakatayo. Nakatingin samin, I mean saakin.

Nasa 40's na siguro nakaputi, pero yung hanggang balikat lang ang nakikita ko kasi nga sa likod ng patong patong na puntod siya nakatayo. Sobrang lungkot ng mukha niya, parang nakakawa. Pero napabaling na ako ng tingin kasi sumabit ang paa ko, nung tinignan ko ulit, wala na siya.

Tinanong ko yung ate ko kung may nakita ba siya kanina na nakasabayan naming dumalaw, sabi niya wala daw kaming nakasabay na dumalaw. Kaya kinabahan na ako.

Pero sinabi ko pa rin sa kanya na may babae akong nakita. Sabi niya walang ibang tao doon maliban sa amin. Maliit lang kasi yung sementeryo (Nasa probinsya kasi, somewhere North) kaya makikita mo kung may dadaan kasi malapit lang sa entrance yung libingan ni Mama. Wala nga talaga kaming kasama.

Pero simula noon lagi na niya akong dinadalaw sa panaginip. Either hinihila ako sa hagdan, sinasakal. Pilit niya akong sinasama sa hindi ko alam kung saan. May time pa na naghihilaan sila ni Mama, at ang laging sinasabi sakin ni Mama wag akong sasama sa kanya.

Nagtagal yun ng isang linggo, nung di ko na kaya na gabi gabi kong napapanaginipan, sinabi ko na sa Papa ko. Sinubukan ko na rin kasing makitulog sa mga bahay ng pinsan at mga tita ko, baka sakali na mawala pero lagi ko pa ring napapanaginipan.

Nagpamisa kami ni Papa tapos pinuntahan ko yung lugar kung saan ko nakita yung babae, madamo na halatang di dinadalaw. Pinagtirik ko ng maraming kandila. Kahit nanginginig na ako sa takot kasi mag isa lang akong pumunta, naiwan ang mga kasama ko sa may bungad kasi natakot din sila.

And siya nga yun, kita sa picture na nasa lapida ng puntod niya.
Simula noon, hindi ko na siya nakita sa panaginip or what.

Tumahimik na.. yun ang akala ko, kasi yun na pala ang simula ng bangungot ko. Yun na pala yung sinasabing pagbubukas ng third eye ko. At mas malala pa pala ang makikita at ang mararanasan ko.

-TBC-

Spookify StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon