Panaginip

541 18 4
                                    

Kinaumagahan pagkatapos ng bday ko medyo masama pa yung pakiramdam ko dahil sa hang over. Hinintay ko munang makaalis yung mga tropa ko na samin na nakitulog dahil di na kinayang makauwi sa kalasingan bago ako magpahinga ulit. Syempre bago sila umuwi, kelangan pa naming sundutan ng konti pang beer para medyo sakto yung tama namin. Mga bandang hapon na kami natapos at nung nakauwi sila natulog ako.

Madali akong nakatulog nun dahil sa lasing nga. Nanaginip ako, may dalawa akong tao na nakita sa panaginip ko. Pero kahit minsan hindi ko pa sila nakita sa personal or kahit saan. Nung nagising ako kinagabihan, isip ako ng isip kung bakit napanigipan ko yun at pano nakapagform ng ganung mukha yung panaginip ko. Dalawang lalaki, yung isa about sa mid 20's yung edad at yung isa nasa mid 40's.

Few days later, nanaginip na naman ako. Nasa harap daw ako ng hospital nakatayo. May nakita akong nagkakagulong tao sa tawid ng kalsada. Nung pinuntahan ko may nagbanggaan daw. Jeep at motor. Bigla na lang akong nagising, pawis na pawis. Maya-maya pa tinawag akong bigla ni mama. Sabi nya dalhin daw namin yung kapatid ko sa hospital at sinusumpong na naman ng hika. Eh yung sasakyan lang namin sa bahay ay motor. Bigla akong ninerbyos. Tinanggihan ko si mama at sinabi ko yung napanaginipan ko. Kaso lang pinilit nya akong ihatid sila dahil yung kapatid ko malakas na yung hingal.

Pumayag ako at nagdasal ng mataimtim sa Taas bago nagdrive ng motor.

Nakarating naman kami ng ligtas sa hospital. Napansin ko yung nurse na umaalalay sa kapatid ko sya yung lalaki sa panaginip ko. Di ako pwedeng magkamali dahil tumatak sa isip ko yung mukha nilang dalawa. Napaisip ako bigla, kung hindi ako yung maaaksidente sa motor, sino kaya?

Nung natapos ng magpa-nebulizer at tingnan ng doctor yung kapatid ko, hinayaan agad syang makauwi. Nung nasa labas na kami ng hospital, nakita ko ulit yung nurse. Nakamotor rin sya at mukhang papauwi na. Magkasunod lang kami habang papalabas sa gate ng hospital, mga 5 meters lang yung agwat. Papatawid na sya sa kalsada nung napansin ko na nahulog yung panyo nya kaya nung nadaanan ko pinapulot ko kay mama at binusinahan ko sya. Nakatawid na sya ng kalsada nun at mukhang bibili pa sa tindahan nung napansin nya ako. Sinenyas ko yung panyo nya at pinapunta ko sya samin para di na kami tumawid dahil sa kabilang linya naman yung daan namin.

Bumaba sya ng motor at tumawid ng kalsada para kunin yung panyo nya. Sakto nung pagtawid nya biglang may humaharurot na jeep na biglang bumangga sa nakahinto nyang motor! Hindi na ako masyadong nakiusyuso dun dahil kinilabutan ako. Tiningnan lang namin yung lagay ng driver ng jeep bago kami umuwi. Sobrang nginig yung katawan ko pagdating sa bahay. Tatapusin ko sa isang tanong yung naganap na to sa buhay ko.

Maniniwala ba kayo na yung driver ng jeep na bumangga sa motor ng nurse ay yung isang lalaki sa panaginip ko.

-End-

Spookify StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon