Madalas akong magbakasyon sa bahay ng lolo at lola ko sa probinsya kasi dun din naman ako lumaki.
Pero simula nung nag grade 5 ako, sa Manila na ako nagpatuloy ng pag aaral. Kaya tuwing pasko, bagong taon at summer vacation, andun ako.
Hindi talaga ako naniniwala sa mga multo or kahit ano kasi never pa naman ako nakaencounter ng ganyan.
August 2013, namatay ang lolo ko dahil na rin sa katandaan. So, nung after namatay si lolo, hindi kami nagpasko don sa probinsya namin. Pero April 2014, summer vacation doon ako nagbakasyon.
Mga isang buwan din ako don. Si Lola na lang kasi kasama ko at malaki pa bahay ni Lola tapos kaming dalawa lang andun.
Isang araw, siguro mga 1am na yun tsaka tulog na rin si lola, madalas ako magpuyat non kasi bakasyon at alam kong walang klase kinabukasan.
Habang nagphophone ako nun sa sala namin, biglang gumalaw ung upuan na monoblock na madalas upuan ni lolo. Kitang kita ko talaga ung paggalaw ng upuan pero inignore ko na lang at nagpatuloy sa pagphophone. Mga ilang minuto ang lumipas, andun pa din ako sa sala at gising na gising pa ako tapos biglang tumugtog ung radyo ni lolo. Dun na talaga ako nakaramdam ng pagkakilabot.
Tapos bigla na lang namatay ung radyo kahit walang gumagalaw. Sobrang takot na talaga ako non, gusto ko na tumakbo sa taas kung saan andun ung kwarto ko. Pero di ko magawa kasi naramdaman kong dalawa na kaming nakaupo sa sofa. Nung naramdaman ko talaga un, tumakbo ako sa taas, dumeretso ako sa kwarto ko tapos humiga na lang ako tsaka pinilit matulog. Nung nakapikit ako, bigla kong narinig ung katapat kong kwarto na may pumasok. Ung kwarto na un ay yung kwarto nila lolo at lola pero nung nawala na si lolo sa ibang kwarto na natulog si lola. Yung katapat na kwarto ko, nilock na yun at kama na lang ang andun at ibang gamit ni lolo. At ung susi ng kwarto na yun ay sinama sa kabaong ni lolo.
-End-
BINABASA MO ANG
Spookify Stories
HororMga kwentong nakakakilabot, kababalaghan, base sa katotohanan. Source: Spookify ©SpookifyOfficial