Sa Langit ang Tagpuan

374 19 0
                                    

Gusto ko simulan mula sa umpisa kung paano mo ako kinausap at sinabing "gusto kita" hanggang sa dumating tayo sa realidad ng buhay ko ngayon.

June 26, 2014
Sobrang addicted ako sa fb, as in no tulog na kasi chat tapos ang hilig ko magpost ng skype name ko. Kasi gusto ko ng kausap ng mga panahon na yon. Gabi non nung nagulat ako nang may nagmessage sa akin na "Hi ate, ako po skype."

Inisip ko since kailangan ko ng kausap sige na nga. Nag online ako sa skype agad, tapos may request na inaccept ko din! Then we started to talk, at first ang weird mo swear nawiweirdohan ako sayo. Kasi you keep on telling me na "Ang ganda mo po ate"

Ang sobrang nakakuha ng atensyon ko that time is YOU LOVE MUSIC as much as I DO. Mahilig ka mag gitara at ganon din ako. After that night tumatak ka na sa isip ko, pero buo ang desisyon ko na hindi ikaw ang tipo kong lalaki na dadating tayo sa puntong mamahalin at gugustuhin kita.

Months have passed, nagchachat ka pa din sa akin pero di na ko pumayag magskype ulit! Hiningi mo number ko, well binigay ko, ang iniisip ko kasi non magtext ka man di kita rereplyan. Nasa akin pa din naman ang desisyon e kaya even magtext ka hindi kita ieentertain.

Pero humanga ako sayo ng sobra nung isang beses na sinabi ko na tigilan mo na ko kasi hindi kita deserve dahil mabait ka at sobrang tyaga mo. Tinaboy kita kasi you are not my "dream boy" at sinagot mo ko

"_ _ wag mo naman ako itaboy, gusto kita! Hayaan mo lang akong mahalin at tanawin kita kahit sa malayo lang! Promise di ako manggugulo." 

Bahagyang nalusaw ang matigas kong puso dahil sa mga sinabi mo.

Yun pala pumupunta ka sa lugar namin para magbasketball at the same time para ipagtanong tanong at hanapin ako.

Para sa akin noon tipikal na lalaki ka lang, mahal mo magbasketball at magDOTA! At bumarkada. Pero swear you're cute, chubby ka na malaking tao, wavy hair, broad back.

Sweet ka, lagi mo kong chinachat "Prinsesa pansinin mo naman ako" "Baby, chat ka naman" mga ganong bagay pero di ko pinapatulan. But I find you sweet at thoughtful, lahat ipinagpapaalam mo kahit alam mong hindi naman ako magrereply. Kahit walang kasiguraduhan na mapapansin kita tinutuloy mo lang ang panunuyo sa akin. Which admire me the most.

Hindi ko napapansin na habang tumatagal, mas tumatatak ka sa isip ko. At nagsisimula na kong hanapin ang presensya mo sa phne ko! Tinetext na kita for no damn reason. Kinukumusta na din kita, and I've decided why don't I give it a shot para lang mabigyan ka ng chance - denial na ko that time. I keep on telling myself na para lang to mabigyan ng chance yung mokong na yon! Pero unti unti na kasi akong naattach sayo.

Until December 12, 2014
Birthday ng lolo ko non, konting inuman at kasiyahan. Katext kita non, tapos as usual ang lagi mo sinasabi
"Gusto kita please gustuhin mo din ako"
10 na ng gabi may tama na ko. I think empi talaga naging daan para magkaroon ako ng lakas ng loob! Para sabihin sayo na
"Kate imissyou na kamo" - kasi hindi ka na masyadong nagpaparamdam non, feeling ko napagod ka na kahihintay at kasusuyo sa akin dahil ang tigas ko. Ako pa unang nagtext para magstart ang convo. (Lalaki siya a. Tinatawag ko lang siya ng ganyan para unique lang).

Then bumalik na naman ako sa pagiging ,nasobrahan ata ako non ng pagiging denial. Sinabi ko sa sarili ko na "NO, iki-keep ko nalang to." Di pwede mainlove sa kanya kasi hindi siya yung tipo ko! So ganon na nga ang nangyari.

Nawalan kami ng communication until summer, nag OJT siya somewhere in makati. He's a Cruiseline culinary student.

Nagsimula na naman siya magtext at mangulit. Hanggang sa nagkakatawagan na kami na umaabot ng 3AM after ng shift niya sa gabi. Tapos pumayag na kong magkita at magusap kami ng malapitan (But actually he's just 2 brgy away sa lugar namin).

Spookify StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon