My Twin Brother

758 22 5
                                    

Sabi ng Mama ko na may special gift, lahat tayo may kasabayang ipinanganak. Tao at taga ibang mundo. Ang taga ibang mundo na kasabayan nating ipinanganak ay maituturing nating kakambal at makakasama natin habang buhay.

Nangyari lang yung worst recently pero yung pagpaparamdam, noon ko pa nararanasan.

Nung bata ako, madalas akong magkasakit gawa na rin siguro ng heart disease ko pero minsan may mga sakit na dumadapo sakin na wala namang kaugnayan sa sakit na meron ako. Yung bigla na lang akong manghihina kada Martes at Biyernes pagsapit ng alas sais pero pagkadating ng umaga nawawala. Sumisigla na ulit ako.

Minsan nagkakapantal at pasa sa buong katawan pero nawawala din agad na parang walang nangyari. Naging ganun ang ikot ng buhay ko. Hospital, bahay, school.
Napilitan lang akong huminto nung nasa 3rd year highschool na ako, sa sobrang dami ng pasa ko sa katawan.

Aware na kami ng parents ko na anemic ako at binalaan kami ng doctor na dapat daw e mapataas ang RBC count ko para nga maiwasan o mawala na ang pagiging anemic ko. Inadvice ng doctor na kailangan ko munang magpahinga at umiwas sa stress.

Nakikitaan na din daw kasi ng activities ng cancer cells sa katawan ko (May history rin kasi ang family ko na ang ikinakamatay ay cancer o heart disease).

Bumalik ako ng pag aaral pero nagtransfer ako. From private to public gawa nga ng mga gastos namin sa pagpapagamot sakin. Di ako nagpatingin sa albularyo dahil ayaw ng papa ko (Isa kasi syang christian. Naniniwala syang si God lang ang may kapangyarihan) while yung mama ko, yung family nya may background sa witchcrafts kaya sobrang opposite sila kaya I wonder paano sila nagkasundo.

Sa trinansferan kong school, dito ko nameet si John, boyfriend ko. Lagi kaming magkasama. Di ko alam na ito pala ang magiging dahilan ng paglalagay ng katawan ko sa hukay.

Nagising ako sa kalagitnaan ng pagtulog ko. Ang lamig. Tumingin ako sa paligid dahil pakiramdam ko may nagmamatyag sakin. Kinikilabutan na ako kaya naisipan kong lumabas ng kwarto pero nung akmang bubuksan ko pa lang ang pinto, may sumabunot sakin. Nagpatay sindi ang ilaw sa kwarto ko. Nagsisigaw ako. Wala na sa lupa ang mga paa ko. Nagpupumiglas ako. Naririnig ko ng kumakatok ang mama at papa ko. Wala akong ginawa kundi sumigaw ng mama! Umiiyak na ako. Nagkakabulol bulol na ako sa pagdadasal. Binitawan nya ako at bumagsak ako sa sahig, Napaharap ako sa kanya. Malaking taong itim na may mapupulang mata. Sisigaw pa sana ako nun pero para akong napagod at tuluyan ng nawalan ng malay.

-End-

Spookify StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon