Ang Tagabantay

364 16 0
                                    

Honestly, nung bata pa ako, hindi talaga ko naniniwala sa mga multo o kahit sa anong elemento. Pero dahil sa mga nangyari sa akin, napatunayan kong totoo nga talaga at hindi kathang-isip lamang. Noong bata ako, sobrang likot ko daw.

Mga tatlo o apat na taong gulang ako noong nirerenovate ang bahay namin. Pinapanood ko yung tatay ko at tiyuhin ko na maglagay ng hollow blocks. Ilang beses akong sinaway ng tatay ko dahil baka daw mabagsakan ako pero hindi ako nakinig. Nagpumilit pa rin ako manood sa kanila. Sa kasamaang palad, gumuho yung nilalagay nilang hollowblocks at nalaglag sa akin. Ilang hollowblocks ang nalaglag sa ulo ko pero pinagtataka ng tatay at tiyuhin ko, bakit daw hindi man lang nasugatan ang ulo ko.

Akala namin sadyang matigas lang talaga ang ulo ko kaya di na namin pinansin.

Pangalawang insidente naman na nangyari sa akin noong mga pitong gulang na ako. Nagbabike ako at sa sobrang bilis ko, nakalimutan kong wala nga palang preno ang bike ko. May kasalubong akong taxi noon at dalawa lang ang pagpipilian ko, ibabangga ko sa taxi o sa pader para maiwasan ko yung taxi (Masikip kasi ang daan at may nakapark pa sa kabilang side). Dahil alam kong wala akong pambayad kapag nabangga ko yung taxi, binangga ko na lang sa dingding. Napahampas ang ulo ko pero wala na namang bakas ng kahit anong sugat.

Pero ang pinaka nakakakilabot na pangyayari na naranasan ko at ng pinsan ko ay nitong nasa kolehiyo na ako. Tanghaling tapat noon, kasama ko mga pinsan ko, lola ko at parents ko sa bahay namin. Nakita ko ang lola ko na pumasok sya sa CR. Kinausap ko pa nga sya pero di nya ako pinansin. Tapos bigla kong nakita ang lola ko galing sa terrace namin at papuntang kusina. Laking gulat ko dahil sigurado akong nakita ko syang pumasok ng CR. Pinalipas ko yun dahil sabi ko baka guni-guni ko lang. Pero noong bandang hapon na, nakita ako ng pinsan ko na naglalakad sa terrace namin kaya kinausap nya ako, tiningnan ko daw sya pero di ako sumagot. Kaya laking gulat nya ng makita nya akong lumabas galing sa kusina. Noong mga panahon na yun, alam ko na hindi nga guni-guni yung nakita ko nung tanghali. Kaya nagdecide kami na pumunta sa albularyo at doon ko nalaman na bata pa lang ako, may dalawang duwende na palang nagbabantay sa akin. At nakikipaglaro pala sila sa amin noong mga panahong ginagaya nila kami. Nung una natakot ako pero sinabihan ako na puting duwende ang nagbabantay sa akin kaya wala akong dapat ipangamba.

Hanggang ngayong 26 years old na ako, kasa-kasama ko pa rin sila at nakikipaglaro pa rin sila sa akin paminsan minsan. Yung tipong maririnig mo na naghahabulan sila sa hagdan, tapos makikita mong nagtatago sila sa guest room.

Mabuti na lang at mababait sila at di nila ako hinahayaan na mapahamak.

Lagi silang nakabantay sakin.

-End-

Spookify StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon