Portal to the other World

475 20 1
                                    

Alam ko may ilan na magdadoubt dito sa ikukwento ko, pero kahit ako hindi makapaniwala na nangyari yun sakin. Last year lang nangyari 'to sakin at nilakasan ko na ang loob kong ishare 'to.

Student Assistant kasi ako and naka assign sa library together with my friend Ella (di tunay na pangalan). Wednesday afternoon nun nzng inutusan kami na ayusin yung mga libro, may ilan kasi na pasaway na basta na lang isasalpak ang mga librong ginamit nila kung saan. 1st and 2nd flr yung kay Ella habang yung sakin naman ay sa 3rd to 4th flr. So nag umpisa na nga akong ayusin yung mga libro sa mga shelves sa 3rd flr. Pito kaming naka assign sa library pero dahil sa yung tatlo eh officers at yung dalawa ay player kaya no choice kami ni bes. Intrams kasi nun sa school ng buong week.

Hindi naman ako matatakutin at bukod doon, kasama ko naman si Ma'am Lyn na nakaupo sa table nya na busy sa kaka fb nun. Medyo kokonti lang kasi ang napunta ng 3rd flr kaya hindi masyadong hassle mag ayos, and may usap usapan na may mumu daw kasi dito. Hindi naman ako matatakutin na tao kaya keri lang. Kasalukuyan kong isinusuksok yung isang libro nang biglang may nahulog sa tabi ko. Napahiyaw pa ko sa gulat dahil dun.  Paglingon ko eh libro lang pala. Tinanong ni Ma'am kung bakit ako napahiyaw pero sabi ko wala lang. Medyo nagtaka ako kasi yung libro na nalaglag is kasing laki lang ng pocket book which is nakakapagtaka kasi medyo may kalakihan yung mga libro dito sa 3rd flr. Pinulot ko na lang at balak sanang itanong kay Ma'am Lyn kung san ilalagay pero binuklat ko muna. Wala kasing cover tas may bilog something na naka drawing sa pinaka unahan na page.

Binuklat ko pa pero walang kalaman laman. Medyo luma na rin tas may butas butas pa yung ibang pahina na parang inanuhan ng insekto. Tanging yung drawing na bilog lang sa unahan ang nakalagay. Tinitigan ko yung drawing. Wala namang kakaiba dun bukod sa spiral sa gitna nung bilog. Para akong nahypnotize sa drawing. Hindi ko maialis yung titig ko doon. Biglang umikot yung spiral ng pagkabilis bilis tas doon lang nakafocus yung tingin ko. Ipinikit ko yung mata ko nun kasi nahihilo ako sa pag ikot nun pero nagulat ako nang biglang may busina na sasakyan sa likod ko. Nagtataka ako nun kasi nasa 3rd flr ako ng library pero pakiramdam ko may sasakyan sa likod ko.

Nakapikit akong lumingon sa likod ko tas nung dinilat ko ang mata ko ay halos atakihin ako sa puso. Sa isang iglap, nasa gitna ako ng kalsada at isang kotse ang nasa harap ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa pinagsamang kaba, at pagtataka. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakatayo lang ako at tila naestatwa. Kakaiba yung kotse, wala yung gulong tas parang nakalutang lang. Sa sobrang takot ko dahil busina ng busina yung kotse eh tumakbo ako papunta sa gilid ng kalsada. Patuloy akong tumatakbo dahil sa sobrang takot sa lahat ng nakikita ko. Hindi pangkaraniwan yung lugar pati ang mga tao. Kakaiba kasi yung kaliwang mga mata ng mga nakakasalubong ko, kulay green tas may tattoo sila na triangle na ewan sa balikat.

Umiiyak na ko nun kasi biglang may helicopter na sumusunod sakin. Tas may naririnig akong 'unidentified' na nagsasalita mula sa helicopter. Lahat ng tao iniiwasan ako at tila takot na takot sila sakin. Takbo lang ako ng takbo nang bigla akong nadapa. Nanginginig yung buong katawan ko at pilit tumatayo pero may makirot sa tuhod ko, paglingon ko ay may gasgas doon pati sa siko ko. Muntik na akong sumigaw nang biglang may humawak sa balikat ko at nagsalita.

'Tina, bakit nandito ka pa? Akala ko nakauwi ka na'. Paglingon ko ay si Ma'am Lyn na suot na yung shoulder bag nya at hawak na yung padlock at susi ng 3rd flr. Inilibot ko ang tingin sa paligid nun at nasa library na ulit ako at nakatayo katulad ng pwesto ko nung binuklat ko ang libro. Hawak ko pa rin yun libro nun pero nakasara na. Tinanong ako nun ni Ma'am kung anong nangyari sakin pero hindi ko sya sinagot dahil nanginginig pa rin ako sa takot. Inalok pa ako ni Ma'am na dadalhin sa clinic pero tumanggi ako. Sinabihan nya ako na umuwi na daw ako at gabi na. Takang taka ako nun kasi 1 pm pa lang nung pumunta kami ng library pero paglingon ko sa labas ay madilim na.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sakin yung nangyari. Parang panaginip lang yun. Iniisip ko nga na baka imagination ko lang yun pero hindi eh.

Dahil katulad nang nangyari sakin dun, may sugat din ako sa tuhod at siko nun. Sa sobrang takot ko nun, inilagay ko sa dulong part ng mga shelves yung libro. Ni hindi ko na ulit binalak na buklatin yun.

-End-

Spookify StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon