Nangyari to sa kapatid ko mga 1-2 years na ang nakaraan.
Btw magsi-6 na ang kapatid ko so mga 3-4 yrs old siya nung nangyari to. So ito nga natutulog na kami sa second floor ng bahay, sa lapag lang kami natutulog. Bale pag umakyat ka patungo sa 2nd floor, makikita mo na kami sa right side mo natutulog, walang harang tapos mataas pa yung hagdan. Hapon nun, matutulog na dapat kami ng kapatid ko (Kasi nga ang mga bata daw dapat matulog ng noon para tumaas, pero wa epek sakin) nang binabanggit niya yung namatay na mama ng kaibigan ng auntie ko na nakatira sa amin (haba noh? 😂). Kami naman kinakabahan kasi nga banggit siya ng banggit tungkol sa mama ng kaibigan ni auntie eh hindi naman niya pa ito nakikita. Naririnig lang niyang pinag-uusapan namin ang namatay na mama ni auntie (Nagluluksa pa kasi ang kaibigan ni auntie). Btw, ang name ng mama ng kaibigan ni auntie is alicia.
Nagtataka na lang kami na magp-point yung kapatid ko somewhere tapos sasabihin "Ate mae (Not the real name ng kaibigan ni auntie) mama alicia po dito". Initial reaction talaga namin matakot kaya yun lumabas kami ng bahay. Pagsapit ng gabi matutulog lang kami sa lapag sa 2nd floor malapit sa hagdan. Yung kapatid ko sa may malapit sa hagdan matutulog, gusto sana namin siya sa dulo kaso nga lang umiiyak kaya hinayaan na lang namin, nagkulambo na kami iwas lamok. Mga bandang 3 or 4 nagtaka kami kasi may lumagapak, nahulog tapos sumigaw yung antie ko "Si kent nahulog". Kami naman dali-daling bumaba, ang dulo non semento, may possibility na nabalian ang kapatid ko, nagkabukol or kaya naman nasugatan. Kaso nga lang ang ipinagtataka namin nang buhatin na siya ng auntie ko, wala man lang galos, umiyak o di kaya senyales na nahulog siya. Tulog pa nga siya nung buhatin siya eh.
Maya-maya lang nagising siya, tapos nagpoint siya sa corner saying "Isusumbong ko kayo kay mama alicia". Lahat kami nagkatinginan, ako goosebumps overload na! Kaya yun bumalik kami sa taas, pinatulog namin yung kapatid ko. Nasa dulong part na siya, yung pader na yung tabi niya. Ako, kasama yung auntie at friend ni auntie di makatulog. Morning na, nagtanong kami sa kapatid ko kung pano niya nalaman ang hitsura ni tita alicia, sagot naman niya nakikita niya daw kasama ni ate mae at sabi friends daw sila. Kaya yun napanatag na kami, konti na lang ang takot.
Nasundan pa yung pagkakahulog ng kapatid ko the next next next next night nun, siya na kusang tumayo nun at bumalik sa pagtulog sa tabi ko. Yung lolo ko, umuwi ng lasing. Pag lasing paguray-guray na sa paglalakad, nasa ikatlong step pa lang siya patungo sa taas nung mahulog siya. Akala namin kung ano nahulog kaya tiningnan namin at pinuntahan yung lolo ko. Meron syang bukol, di lang yun putok pa ang nguso at dumudugo pa nang puntahan namin. Nasa 3rd step pa lang siya nang mahulog sa hagdan, pero yun na ang nakuha. Yung kapatid ko nahulog galing sa pinakataas kaso wala man lang anong galos. Sinabi pa nung auntie ko sa lolo ko.
"Yan ang napapala pag lasing uuwi ng hatinggabi"
-End-

BINABASA MO ANG
Spookify Stories
HorrorMga kwentong nakakakilabot, kababalaghan, base sa katotohanan. Source: Spookify ©SpookifyOfficial