Hotelier's Life

364 18 0
                                    

I am here in dubai for 6 years already. Im working in a luxury five star hotel as Security.

Bali pangalawang work ko na ito, however sa previous work ko ay hotel din.

Noong bago ako sa unang hotel na pinagtrabahoan ko, kwento nang mga kasamahan kong Pilipino na pre-opening team na may nagpakamatay daw na construction worker sa hotel habang under construction ito. Tumalon daw mula 32nd floor, binalaan nila ako na wag mag ikot nang mag isa lalo na sa gabi dahil nag paparamdam daw ito.

January 2011 nang night shift ako, so kailangan mag patrolling sa buong hotel. Nag simula ako sa 36th floor pababa hanggang 20th floor lamang dahil hati kame nang kasama ko, cia naman 20th floor hanggang basement. Lakad lakad sa corridor hawak ang clipboard at ballpen, nag susulat nang mga depektibong bagay at parte nang hotel. Pa sipol sipol pa ako sa staircase habang pababa sa susunod na floor.

Hanggang nakarating na ako sa 32nd floor, subalit pag dating ko doon bigla akong nan lamig, kahit na ang uniporme ko ay long sleeve na puti na may itim na coat. Naka pagtataka sapagkat ang bawat floor ay kontrolado ang lamig na nasa 24 degree lamang. Agad akong tumawag sa Engineering at inalam kung ang temperatura sa 32nd floor ay nakababa, ngunit ang sagot nila ay hindi. Kinikilabutan man ay tumuloy ako sa pag iikot.

Nang ako ay tumapat sa kwarto bilang 3213, biglang tumindig ang balahibo ko sapagkat may isang lalaki na animoy construction worker, naka over all nang kahel at akmang tatakbo papunta sa corridor leading to the glass wall which over look to the promenade. At boom tumakbo nga na humihiyaw sa salitang hindi at lumusot sa salaming pader. Ako ay nagitla at naka nganga sa aking nakita, halos lumuwa ang aking mata. Unti unti kong naramdaman ang pag init nang aking pisngi at ako ay bumalik sa akin huwisyo. Hindi ko na tinuloy ang pag patrolya, dali dali akong nag lift pababa sa opisina. Pagdating ko ang mga kapwa ko Pilipino sa shift ay hindi na nang taka nang akoy humahangos papasok, binigyan na lamang nila ako nang isang baso nang tubig at pinaupo at pinainum. Ang sabi nila alam na nila ang ikwekwento ko dahil nakita nila ako sa CCTV na nasa 32nd floor. Hindi lang pala ako ang nakaranas, may mga iba pa bukod sa akin. Sabi pa nila oh ading nabinyagan ka na. Sa susunod sa promenade ka naman mag punta, makikita mo sya doon na wasak ang mukha, bali bali ang katawan at duguan sambit pa ni manong. Kaya mula noon nag sumikap ako para maging CCTV operator para hindi na ako mag ikot. Kaso sa monitors ko naman sila nakikita.

-End-

Spookify StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon