Badette

653 24 4
                                    

I have this person in my life and her name is Bernadette, but I prefer calling her Badette. She's the kindest person I've ever met but unexpectedly she died.

My bestfriend left this world.

All I ever saw is her smile and all I ever heard is her goodbye. I wish I had given a chance man lang na makapagpaalam sa kanya.

Anim na buwan na ang nakalipas since namatay siya but I always feel like she is still here, with me...

Naalala ko pa ang dami dami niyang pangarap para sa buhay niya at sa pamilya niya. Naalala ko pa na sabi niya

"Kapag nakapagtapos ako, ako ang unang una sa pamilya namin na makakapagtapos ng pag aaral...."

"Gusto ko ako yung anak na ipagmamalaki nila balang araw, balang araw ako na ang magsusukli sa lahat ng pagsasakripisyo na ginawa nila para lang sa akin. Di ka ba excited makapagtapos Jas? Kasi ako gustong gusto ko na."

Bakas na bakas sa mga mata niya na masaya siya at excited siya at ako naman 'to, walang masabi dahil busy na busy ako sa pagpapaganda. Kinaganda ko 'to mga bakla eh chos, so ayun nga.

Nung namatay siya feeling ko binabantayan niya pa rin kami. AKO.

Noong November 24 lang 'to, naiwan ako sa bahay mag isa at sarado lahat, mapabintana o pinto tas nakatapat lang ang electric fan sa akin, as in akin lang talaga.

Nagulat ako, biglang bumukas yung pintuan, hindi ko na lang pinansin nung una kase bising bisi magpaganda ang lola niyo. Pero mas nagtaka ako nung biglang nahulog ang picture na nakasipit sa alambre na pinagsisipitan ko,  at mas nagulat ako nung pagkatingin ko, picture namin iyon ni Badette.

Oo si Bernadette. Picture namin nung birthday niya. Naiyak na naman ako dahil naalala ko na naman siya pero pilit ko na isinabit ulit iyon kahit umiiyak na ako at palobo na ang sipon ko. Sinabit ko uli at tinitigan ang picture, naisambit ko sa sarili ko ng pabulong "I miss you na Badette."

Nakalipas ang isang buwan pagkatapos ng naganap na yon at, December 18 nagparamdam na naman siya.

Christmas party namin iyon sa eskwelahan namin
(I won't mention na lang ang school namin).

May upuan si Badette doon sa classroom namin at may picture siya doon na nakaframe, nagdikit kami ng sticky notes sa lamesa niya bago kami umuwi, lahat kami nagdikit. Since maaga ang uwian at ang boring naman sa bahay, naglakad lakad muna ako sa school kasama ang isa kong kaklase, isa din siyang kabogerang hipon, like me except sa hipon, magandang hipon ako mga girl eh.

So ayun nga. Napag isipan namin na magstay sa classroom namin after naming libutin ang buong school, tawa here tawa there. Wala eh, happy lang pero bigla kaming nagambala nung biglang may narinig kaming umiyak, oo umiiyak. Nung una akala ko pa si bakla ang umiiyak, nagbibiruan pa kami. Sabi ko pa kay bakla

"Oy bakla, nginangawangawa mo jan, kinakati ba b*tl*g mo?"

Tas ang sagot niya

"L*ch* ka, hindi ako yun, seryoso."

So nagtaka na kami, napatahimik kami at don ko nga nalaman na hindi nga talaga siya. Sino naman ang iiyak e kami na lang ang tao sa 4th floor, so wala ng echos echos pa, napatakbo kami pababa. Nakakaloka naman kasi mga neng. Pagkababa namin hingal na hingal kami, kinabahan kami ng sobra at sinabi niya na

"Omg, nasayang ang hairdo chenes ko for today! Nakakaloka!"

Hindi ko na nagawang magbiro, napatingin uli ako sa 4th floor at tinignan ko uli ang classroom namin at ayun, may nakita akong babaeng nakatalikod. Mahaba ang buhok at nakaharap sa pintuan ng classroom namin, nagtaka ako, di kaya si Badette yon?

January 5 2016, naiwan ako sa bahay at wala akong ginawa kundi magselfie, selfie here selfie there. Hanggang sa napaisip ako, parang may nakalimutan ako? Pero wala naman akong maalala? E g*ga ka pala eh, nakalimutan mo nga eh. Charot! So dinaan ko na lang sa idlip ang kabaliwan ko.

Nananaginip ako, nasa lugar ako kung saan malawak at walang ka-tao tao. Hagdan lang ang nakikita ko at puro bulaklak sa paligid, maliwanag dito at para bang ang gilas gilas ng mga ulap. Nagulat ako nung may biglang sumulpot sa harapan ko.

""It's been a while.... Jasper.""

Si Badette.

Si Bernadette nasa harapan ko! Nagtaka ako, nasan ba ako? At bakit nandito siya? Nasaan kami? Naiyak ako at nanlambot ang katawan ko, namiss ko siya ng sobra. Sobra sobra. Nanginginig ako. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa pangungulila ko nang mawala siya. Sinampal niya ako at natauhan ako dahil 'don.

"Oh? Ba't umiiyak ka?"

Ewan ko pero nandilim ang paningin ko at para bang nag iba ang pagdaloy ng panaginip ko. Kung kanina siya ang kasama ko pero ngayon, nasa lugar ako kung san maraming tao. May boses na nag eecho sa tenga ko at alam kong boses ito ni bernadette..

"Hanapin mo lagi ang kasiyahan mo, wag kang magpapatalo sa  mga bagay na hinihila ka pababa. Hindi ka pwedeng basta basta tumaob na lang, gawin mong makatotohanan ang pangarap mo, hindi yung lagi ka na lang mangangarap. Makakapagtapos ka diba? Galingan mo. Live on gurl, I'm counting on you..."

"MY BESTFRIEND."

Nagising ako bigla, biglang umagos ang mga luha sa mga mata ko. Nakita ko siya, namiss ko siya ng sobra. Akala ko ako lang ang tumuturing sa kanya bilang bff. Hindi ako umamin sa kanya dahil natatakot ako na baka ako lang nga ang tumuturing sa kanya bilang bff. Sana habang buhay pa siya, sana nasabi ko man lang sa kanya na bestfriend ang turing ko sa kanya. Sana. Sana.
Habang umiiyak ako tinignan ko ang cellphone ko, nakita kong  January 5 pala noon, birthday pala niya at ayon pala ang nakalimutan ko. Pumunta ako agad agad sa sementeryo at pinuntahan ang puntod niyain. Patong ko doon ang bulaklak na binili ko bago ako pumuntang sementeryo, di ko mapigilang umiyak.

Nakalimutan ko na kaarawan niya ngayon, ang sama sama ko. Nagsalita ako at alam kong nandito siya ngayon, ramdam ko iyon na nandito siya. Nandito lang siya sa tabi ko....

"Hoy! Badet! Kamusta ka na? Grabe ka kasi day eh! Iniwan mo ako agad, may mga pangarap ka pa eh, akala ko ba magsasampalan tayo ng report card? Yon ang promise mo diba tsss, brineak mo ang promise mo g*ga ka talaga..."

""Kung nasan ka man ngayon, sana masaya ka at alam kong gandang ganda ka na naman sa akin. Kabogera ka kase hahaha. Hay nako Badette, ikaw talaga! Sana nakapagpaalam man lang muna ako sayo bago ka namatay. Biglaan naman kase eh, hay. Sana tinawagan mo ako habang tumatawid ka at pinatigil mo muna yung van na mamaya ka na sagasaan kasi magpapaalam pa ako sayo hahaha, de joke lang yon badet. Baka naman seryosohin mo. Joke lang yon. Alam mo ba, miss na miss na kita ng sobra bestie, ang hirap pag wala ka badet. Wala na kong kachismisan, iba pa rin talaga kapag nandyan ka sa tabi ko. Happy birthday badet! I love you at hindi kita kakalimutan porebs!""

Napatayo na ako dahil hindi ko na talaga kaya, umiiyak na ako ng sobra. Nang medyo malayo layo na ako habang naglalakad ako ng mabilis, biglang lumamig  at lumakas ang pag ihip ng hangin. Napatigil ako at tinignan ang puntod niya, sa huling pagkakataon, I said the final word...

"Goodbye."

-End-

Spookify StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon