My Childhood Friend

665 22 0
                                    

So 24 years old na ako ngayon at may trabaho na pero isang pangyayari sa buhay ko na kahit matagal ng panahon ang lumipas ay never ko pa ring malimutan. Before kami lumipat dito sa Manila, sa probinsya ng Leyte kami nakatira since taga doon halos lahat ng kamag anak ko. Fresh na fresh pa saking isip yung mga panahon na yun, dati kasi nung bata ako napaka sakitin ko kaya di ako pinapayagang lumabas ng mama at papa ko. 7 years old ako nung nakalabas ng bahay, seryoso yun. Kaya nung time na yun overwhelmed talaga ako kasi dati hanggang silip lang ako sa bintana tapos nakalabas na rin ako sa wakas.

Paglabas ko ng bahay may nakita akong batang lalaki na kaedaran ko lang rin, nandon sya sa may tapat ng bahay nila. Nakaupo sya sa may gutter at nagsusulat gamit yung isang pirasong walis tingting. Tumawid ako papunta dun sa may bahay nila, binati naman nya ako “Ikaw ba yung bata dyan sa harap? Ngayon na lang kita nakita ah?” tanong nya  “Di kasi ako pinapalabas noon nila mama eh, bawal kasi” sabi ko naman sa kanya. Ngumiti sya at nginitian ko rin sya, talagang nagkasundo na kami nung time na yun palang. “Kaibigan na kita ah?” sabi nya “Oo naman” sagot ko sa kanya. Dun kami laging naglalaro sa may backyard nila, minsan dinadala ko mga laruan ko para may paglaruan kami kasi wala syang gaanong laruan eh.

Naging madalas na ang paglalaro namin nun, natuwa naman si mama na nakahanap ako ng kaibigan pero bilin nya na wag lang akong lalayo, jan lang daw ako hanggang kanto namin so sinunod ko naman since sa harap lang naman ng bahay namin sya nakatira. Masasabi kong tunay ko syang kaibigan, halos sa kanya ko kwinekwento yung nararamdaman ko lalo na pag inaatake ako ng sakit ko, ganun din sya saken lagi nya akong kwinekwentuhan. Kaya narealize ko na mas maswerte pa ako sa kanya kasi yung buhay nya mas tragic kesa sakin, wala dun ang parents nya kaya naawa ako sa kanya. “Alam mo, bestfriend tayo diba, samin ka na lang tumira, papayag naman yun si mama. Papakiusapan ko na lang” sabi ko sa kanya pero yumuko sya at umiling “Salamat na lang, masaya na ako na may kalaro na ako ngayon” “Alam ko na, dahil malapit na ang Christmas, exchange gift tayo, bibigyan kita ng regalo at bigyan mo rin ako” sabi ko sa kanya. “Sige masaya yan!”

So ilang araw bago ang Christmas, pumunta ako sa kanila dala yung gift ko. “Hello, eto regalo ko sayo, buksan mo” sabi ko sa kanya. Agad naman nya yung binuksan, tuwang tuwa sya nung makita yung regalo ko. “Wow ang ganda naman ng kwintas na to, salamat ah” sabi nya saken. “Wala yun, ikaw ang the best na kaibigan kaya sayo ko ibibigay yung the best kong regalo” sabi ko sa kanya. Maya maya binigay nya saken yung gift nya, natuwa din ako sa laman, isa yung bracelet na medyo antique ang style, sinuot nya yun sa may kaliwang paa ko. Yeah sa paa ko. “Suot mo lagi yan ah, para di ka maging sakitin, pangontra yan” sabi nya sabay ngiti.

Okay naman lahat hanggang sa isang araw, nung new year, nung time na yun ay plinano na pala nila mama na lumipat sa Manila kasi doon na ang work ni papa. Sobrang lungkot ko nun kaya kinaumagahan pumunta ako sa bahay nila para sabihin ang paglipat namin, tulad ko nalungkot din sya. “Totoo ba talaga yan, baka pwedeng di ka na sumama, wala na akong kaibigan pag umalis ka” sabi nya. “Di pwede eh, dun na talaga kami, ganito na lang, ikaw na lang sumama samin. Sige na please, dun ka na lang samin tumira” pagmamakaawa ko pero naluha naman sya. “Sorry, gustuhin ko man pero di talaga pwede at imposible mangyari, walang maiiwan dito” sabi nya. Nalungkot ako nun ng sobra.

“Babalik ka di ba? Hihintayin na lang kita, wag mo ko kalimutan ah” “Oo naman babalik ako, tsaka bat naman kita makakalimutan. Ikaw bestfriend ko, sobrang dami kong natutunan sayo” Naiyak na rin ako that time, hinawakan nya kamay ko nun “Uy ah, suot mo lagi yun, hihintayin kita dito, di naman ako mawawala dito eh. Lagi lang ako nandito, ingat ka dun bestfriend” sabi nya.

Dumating yung araw na aalis na kami, sakto January 1 yun. Pagsakay ko sa kotse umiyak talaga ako ng todo. “Nak, di ka ba magpapaalam sa bestfriend mo?” sabi ni mama. “Di na po ma, malulungkot lang ako lalo” sabi ko. Umandar na ang sasakyan. “Gusto mo daan muna tayo sa bahay nila para rin makita ko sya” sabi ni mama. “Wag na po, ayos lang, basta nandyan lang yun sa tapat ng bahay natin. Sabi nya pagbalik natin, jan pa rin sya. Di daw sya lilipat ng bahay”. Pagkasabi ko nun dama ko na namutla si mama pero di ko maintindihan. “Anak, saan sya nakatira uli?” tanong ni mama. “Dun po sa bahay sa tapat natin, yung may malaking puno”. Niyakap ako ni mama. “Nak, matagal ng walang nakatira dun…….”

Nung time na yun di ko pa naabsorb pero habang tumatagal nagets ko na. Pero pano nangyari na walang nakatira dun? Imaginary friend ko sya ganun? Eh hanggang ngayon nga suot ko pa bigay nya eh. Totoo sya, nakita, nakausap at nahawakan ko. Hindi ako nakabalik sa province sa loob ng ilang taon dahil naging busy na ako sa studies at sa kung saan saan. Last year lang yung una at huli kong uwi, December din yun, family reunion kasi namin.
Biglang nagflashback talaga sakin lahat pag uwi ko, ang tagal na eh. 24 years old na ako, pero grabe pa rin talaga, di ako makapaniwala. Tinanong ko tita ko at sabi nya na wala na talagang nakatira dun mula pa noon, buong pamilya pala kasi yung namatay pati yung nag iisa nilang anak na lalaki kaya wala ng tumira don. Sobrang kinilabutan talaga ako. Suot ko pa rin yung bigay nyang bracelet, kasi kung ano at sino man sya, nagpapasalamat ako kasi di naman nya ako sinaktan. In fact tinutulungan pa nga nya ako, naging mabuti sya saken.

Kinahapunan lumabas ako para tingnan uli yung bahay nang may makita ako... Isang batang lalaki ang nakaupo sa may gutter, nakayuko at nagsusulat gamit ang isang pirasong walis tingting. Jusme ang lakas ng pintig ng puso ko, dejavu? Nangyari na yun. Di ko alam pero tumawid ako papunta sa kabilang side, dun sa may bahay, sa may kinauupuan ng bata. Nilapitan ko sya, sobrang kaba ko, nung pagkaharap nya saken halos mahimatay talaga ako. Ngumiti sya at sinabing “Ikaw ba yung bata dyan sa harap? Ngayon na lang kita nakita ah?” SYA YUN! SUOT NYA YUNG KWINTAS NA BIGAY KO, NAIYAK AKO NG SOBRA. “Hinintay mo talaga ako?” tanong ko habang umiiyak, “Sabi ko naman sayo di ba? BESTFRIEND” Di ko napigil at talagang humagulgol ako, di ko alam ang dahilan, halo halo talaga. Pagdilat ko ng mata ko wala na sya, Nilibot ko ang paligid pero wala na sya, yung bestfriend ko. Umupo ako sa may gutter at tiningnan yung suot kong bracelet sa may paa ko, kahit naluluha ako sinabi ko sa sarili ko “TOTOO SYA”

-End-

Spookify StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon