Boardmate

370 16 0
                                    

Boardmate 

Sunday ng Hapon ng mangayare sa akin 'to sa boarding house namin.

Nag aaral ako sa Baguio City pero tiga-Pangasinan talaga ako.
Etong boarding house namin kakatapos lang gawin this year. So ayun, unang lipat namin dito masaya naman kasi maganda nga yung lugar tapos walking distance lang din layo sa school ko aprub na aprub ng Mama ko.

1 month later, napansin ko na nawawala ibang gamit ko like t-shirt, suklay , medyas, notebook and sapatos. Nung una akala ko na-misplace ko lang kasi nung time na yun nag ayos kami ng gamit namin ni room mate. Tinanong ko rin sya kung nakita nya ba yung ibang gamit ko sabi nya hindi naman daw so inaya ko ulit sya na maglinis.

Tapos na kami maglinis wala pa rin yung mga gamit ko na yun. Then 3 days later pati sya nawalan na rin, pants naman. Akala namin may magnanakaw sa boarding house nun pero secured naman kami mula loob at labas.

Yung boarding house kasi namin 4 storey and sa second floor kami ni room mate kasama yung iba pa naming ka-bahay. May malaking gate kami na laging sinasara tapos may harang na bakal mga bintana.
Yung kwarto namin may nag iisang bintana facing sa hagdan paakyat ng 2nd floor to 3rd so maririnig mo kung may parating or may aalis kasi nga may hagdan kami naka pwesto.

Malapit na matapos summer namin, dun ko na nahanap mga gamit ko. So eto na bakasyon na , uwi ng bahay tapos August balik na ng school kasi pasukan na.  Ok pa rin naman kami dito pero that month din, lagi na lang may nanghihila ng kurtina namin sa gabi. Hinihila hila tapos tatakbo bigla pababa...

Tapos may tatawa. Eh ako pagod sa school so hinahayaan ko na lang. Paulit ulit yun na hinihila-hila kurtina namin tapos may tatakbo pababa. Ugali namin ni Roommate na screen lang yung nakasara kasi medyo kulob sa kwarto eh di ako makahinga  so kahit malamig parang wala na lang samen.

Gabi gabi yun na hinihila hila kurtina namin  na parang pinaglalaruan talaga tapos may time na maririnig mo yung screen namin na slowly binubuksan. 

Sa inis ko sinigawan ko "Ano ba yan ikaw nanaman pagod ako wag kang magulo!" Kako . Tumahimik naman pero di ako nakatulog after nun. The following night hindi pa rin mga 4am na ata makakatulog nun. Alam nyo yung feeling na may nakatingin sa inyo sa may bintana? Ambigat sa feeling di ba?  Sa uluhan kasi namin ni roommate nakapwesto bunkbed namin. Ako sa lower bunk. Sabi nun ng Ate ko ibahin mo pwesto mo, yung sa paanan ka pumwesto tapos yung paa mo sa dating pwesto ng uluhan mo, pag nakatulog ka agad ibig sabihin may nakatingin sayo and I did at voila! Nakatulog ako ng mahimbing at nalate sa aking klase.

Long story short ganun lagi nangyayare saken and nasanay na ko at di naman ako takot nun.

So 2 weeks ago, may asong dinala land lady namin dito. Umaalulong tuwing gabi lalo na sa madaling araw. Normal sa aso yun oo alam ko. Kakahol bigla ng malakas na parang may kaaway sa may hagdan, pagkaalala ko nun biglang nag whimp yung aso tapos tumigil sa alulong.

Gusto kong lumabas para tingnan pero pagod na pagod ako nun ng hindi ko alam. Ambigat ng pakiramdam ko, ang gaan ng ulo ko na ewan tapos malamig . Yeah malamig sa baguio pero yung chill sa spine andun.

Kinapa ko rosary ko sa unan ko wala doon so I grabbed my wallet and nilabas ko yung St. Benedict medal ko and I kissed it Many times so nakatulog na ko. Sinabi samen ng kapatid ng land lady ko na may nakikitang babae sa may hagdan yung 4 year old na na anak nila nung nagbayad kami ng rent. Lumabas din nun yung bata sabay sabi "Ma ayun nanaman yung babae, andun nanaman sa may bintana".

Bintana nanaman namin.

Mula nun laging nakasuot sakin yun mula school hanggang sa bahay. Saturday Night last week, nanonood ng K-drama roommate ko sa sala tapos ako nanonood ng Anime sa kwarto(paglabas ng kwarto namin sala na agad).

Bumukas bigla yung pinto ng veranda namin tapos pumasok yung malakas na hangin. Si room mate takbo sa kwarto at nagsumbong saken. Naramadaman ko din yung hangin kasi di nakasara door ng kwarto namin. "De sira lang ata yung lock, sinabi ko na kay Tita kanina." Tinulog na nya kasi di nya daw kaya mag stay sa sala.

Mula nun lagi na lang may tumatakbo sa sala tapos katok ng katok samen. October 16, 2016 kasagsagan ng bagyo, brown out at madilim sa kwarto. Nagpaalam saken roommate ko na magpunta ng SM para magcharge ng phone(di naman ganun kalakas ulan at hangin nun). Nagising ako pero di ko maigalawa katawan ko.

Ulo, balikat, kamay o paa ko di ko maigalaw. Napamura ako di dahil sa takot ako. Kundi dahil nangyare nanaman saken to. Gising na ako pero di ako makpag salita. Nanlalaban ako para magising ako pero wala akong napala. Sumisigaw ako pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. May umuungol sa uluhan ko. Dun ako lalo nag urge na magising ako pero lalo lang bumigat katawan ko. Nakaramdam ako ng pagod, gusto ko ulit matulog pero nakarinig ako ng boses. Di ko maexplain kung ano o kanino galing. ""Di ba sabi ko umalis na kayo dito?! Bat di  pa kayo umaalis?!"" . Hindi ko na kaya. Nakita ko bigla liwanag ng pinto namin kaya naigalaw ko na bibig ko at natawag ko pangalan ng roommate ko. Nagising ako tapos tiningnan nya ko. Mukha daw akong pagod kaya umupo sa side ko nun then nagpaalam ulit na aalis na daw sya. Swear ilang beses na ko na-sleep paralysis. Lahat sila nararamdaman ko lang pero di ko nakikita.

Yung isa naming boardmate nanaginip daw, may babae daw naka-upo sa higaan nya tapos nakatingin sa kanya. Wala daw mukha. Yung room mate nya ang bigat ng feeling lagi sa kwarto.

Di ako yung tipo ng tao na nag pe-pray gabi-gabi.  Pero may faith naman ako sa kanya. Siguro medyo nakulangan lang kaya ako napagtitripan. Saan mang lugar nararamdaman ko sila. Sanay na ako pero wala eh, andyan sila lagi.   Sa dami na ng experiences ko, eto na lang siguro i-shashare ko. Bukod kasi sa recent lang, di ko makakalimutan yung iba kasi yun yung isa sa unang besea na natakot ako sa buong tana ng buhay ko. Hinding hindi ko makakalimutan yun so baka next time na lang.

And kung tutuusin, wala pa to sa mga experience ng family ko. Most likely si Papa, ang pinaka matapang sa aming lahat.

Sa ngayon habang tinatype ko to , nakatambay ako sa veranda namin. May sumisilip nanaman sa poste ng ilaw. Mapaglaro talaga tong mga to kahit kelan.

"Ang lamig namnamin ng gabi sana mamaya di sila manggulo."

-End-

Spookify StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon