Pinsan

346 13 0
                                    

Around year 2015, di ko na matandaan ang exact month and day.

Doon ako at ng bf ko pinatulog ng tita ko sa bahay nila dahil pang night shift siya sa Ospital. Bale 3 ang pinsan ko sa tita kong yun. Yung panganay ay lalaki, umalis sya that time kasi may gimik sila ng mga kaibigan nya.

So apat kami sa bahay nila. Yung dalawang pinsan ko pa pala ay parehong babae, share ko lang. Mas nakababata sila sa akin.

Nakatulog na kami ng around 10 or 11pm. Pinsan ko, ako and bf ko ang magkakatabi sa kama then yung isang pinsan ko ay naglalatag sa sahig dahil doon talaga ang pwesto niya.

Bandang 4am nagising ako dahil narinig kong nagbukas ng malakas ang main door, rinig mo ito dahil maliit lang ang bahay. tapos nagbukas din ang ilaw sa sala, kita ang liwanag sa iwang ng pintuan sa kwarto kung saan kami natutulog. Tapos namatay na din ito. Inisip ko na baka yung pinsan kong lalaki na yun na nakauwi na galing sa kanilang lakad.

Nagising ako ng 8am dahil binuksan nya ang pinto ng kwarto.

Ang tanong ko sa kanya, "Ngayon ka lang umuwi?" ang sagot nya ay "oo". Tanong ko ulit, "hindi nga?" ang sagot nya sa akin ay "oo nga".

Nagtaka ako dahil narinig ko yung pinto na nagbukas at nagsara.

Nagbukas pa ang ilaw!

Kinausap ko yung bf ko at ikinuwento sa kanya ang nangyari. Ang sabi nya sa akin ay baka imagination ko lang iyon, huwag ko na daw pansinin. Feeling ko sinabi nya lang sakin yun para hindi ako matakot. Edi yun na nga inisip ko baka guni guni ko lang ang lahat.

Pero hindi. Dahil yung isang pinsan kong babae na sa sahig natutulog biglang nagsabi nang "ako din po ate narinig ko din yung pinto nagbukas". So hindi nga guni guni ang lahat.

-End-

Spookify StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon