Eye

656 23 2
                                    

Nagbakasyon ako sa province namin sa San Pablo Laguna, naiwan kase ako sa bahay kase yung lola ko may inaasikaso pa sa bayan. Tapos yung pinsan ko naman ay namamasyal kasama ang kanyang mga tropa.

Palipat lipat ako ng channel sa TV kaso wala talaga akong may magandang panoorin lalo pa at di kami nakacable.

Lumabas ako papuntang bakuran namin na ang likod ay puro puno at parang gubat na. Umupo ako sa may bandang pintuan namin.
Kaso may naaninag ako na parang may tao, near sighted ako kaya medyo blurred yung tingin ko, nakalimutan ko pa sa kwarto ko yung salamin ko.

Nilapitan ko yung tao at grabe ang gwapo, matangos ang ilong na medyo tan na matipuno.

Syempre teenager lang kinikilig din, kaso nagtaka ako kung pano sya nakapunta dun eh wala namang bahay dun? Pero naisip ko baka nagpaalam sya kay lola para makapasok.

Ako: Kuya, bakit po kanina ka pa nakatayo jan? May kailangan ka po ba?

Kaso di sya umimik, ngumisi lang sya. Natakot ako kaya umalis na ko sa harap nya pero bago ako makaalis..

Sya: Sumama ka sakin.

Nakakakilabot yung boses nya kaya mas tumakbo ako sa bahay at nilock yung pinto ng bakuran. Dumiretso ako sa kwarto para matulog kase gabi na din nun at 7pm na din.

Sa panaginip ko, may nakatitig sakin na mukang halimaw, tumatawa sya tapos hinawakan nya yung muka ko. Napapikit ako pero ramdam kong hinahaplos nya yung mata ko.

Nagising ako na hinihingal, tulog na din sa tabi ko yung pinsan ko, kaso may sumitsit sakin mula sa bintana. Sarado yung bintana namin kaso dahil sa kubo kami nakatira, nasilip ko sa butas nung dingding yung sumitsit at nakita ko yung lalaki kanina na gwapo. Nakangisi sya kaya nagtalukbong agad ako ng kumot.

Kinabukasan kinwento ko yun sa lola ko, ang sabi nya di daw tao yung lalaki kahapon. Engkanto daw yun. Kaya wala din daw bahay dun kase nangunguha daw yung mga engkanto dun sa gubat sa bakuran namin.

Pinabalik niya ako sa Maynila at hanggang ngayon di nya ako pinapabalik sa San Pablo.

Ang hindi ko maintindihan, sinabi ng lola ko na baka mabulag ako pag bumalik ako dun o baka di lang mabulag, baka din daw mawala ako.

-End-

Spookify StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon