Mga Multo sa Hallway

344 14 0
                                        

Nangyari ito year 2013 month ng november may event sa school namin at dahil ako ang head of planning at president ng org namin kailangan andun ako. Ok lang madami namang tao doon sa campus namin that time pero doon sa building kung nasaan kami walang tao kasi andun lahat ng mga gamit para sa event at andun din yung mahahalagang bagay kaya kami lang at event committee lang ang pwedeng pumasok doon. Nasa second floor yung office namin kaya doon kaming lahat mga 9 na ng matapos yung meeting namin at halos lahat sa amin umuwi na after nung meeting namin. Ako yung secretary at treasurer nalang natira. Mga 10:30 ng umuwi silang dalawa uuwi na rin sana ako kaso marami pang kailangan tapusin kaya naiwan ako. Mga 1 na ng matapos ako habang nag aayos ako ng mga gamit ko may biglang kumatok sa pinto kaya napatingin ako. Pagtingin ko nakita ko sa may bintana may anino doon ng nakatayong lalaki na may suot na sombrero na yung para sa mga pulis kaya ang inisip ko baka yung guard lang yun na nagbabantay sa baba tapos kaya siguro andun siya kasi nasa baba na yung sundo ko kaya sinabihan ko siya na "kuya pakisabi saglit lang nag aayos ako ng gamit ko." Pagkatapos nun tumalikod ako para tapusin yung pag aayos ko pero pagharap ko andun parin yung nakatayo kaya ang inisip ko baka binalikan niya ako kaya nagsalita ulit ako na "kuya may kailangan po ba kayo?" Tapos napansin ko nakabukas yung bintana kasi biglang humangin at gumalaw yung kurtina pero yung  pinagtaka ko ay kung bukas yung kurtina bakit kumatok pa yung guard ehh madalas sumisilip nalang siya sa may kurtina everytime nandoon pa kami tapos nakatingin nalang ako doon sa may kurtina nakita ko na itinaas niya yung kamay niya na akmang parang may kakawayan kaya nilakasan ko loob ko at lumapit sa may kurtina at binuksan ko pero walang tao. Napatigil ako nun tapos napatingin ako sa hallway sa dulo may naaninag akong lalaki na nakasuot ng puti na biglang nawala. Napatakbo nalang ako sa baba at patuloy na nag iisip sino yung nakita ko.

2nd night
Andun ako ngayon sa may venue nung contest ayoko na kasing mag stay doon sa office namin dahil nga sa nangyari kagabi pero di ko talaga maiiwasang pumunta doon nautusan kasi akong kunin yung result nung contest na nangyari nung araw na yun. Pagpunta ko doon sa building nakabukas lahat ng ilaw inutos ko kasi kay kuya pero di ko pala maiiwasan yun kahit na bukas ang ilaw kasi pababa na ako ng may nakita akong babaeng nakaitim doon sa dulo doon sa room pag akyat mo dun sa kabilang hagdan ang inisip ko ay contestant siya doon sa contest na nagaganap that night kaya sumigaw ako na "ate bawal po kayo dito committee lang po at officer ang pwede sa building na to." Pero parang di niya narinig kaya sinubukan kong lapitan siya pero napansin ko itinataas niya yung kamay niya at akmang kakaway siya na parang yung nakita ko kagabi di ko alam kung may nagbibiro ba sa akin kaso wala akong pinagkwentuhan nung experience ko the other night kaya sa sobrang kaba ko tumalikod ako pero mas nabigla ako sa nakita ko kasi pagtalikod ko yung aninong nakita ko kagabi andun ulit sa may bintana kaya dali dali akong tumakbo pababa at pagkatapos kong idaan yung pinakuha nila umuwi nalang ako bigla.

3rd night
Last night na to at sigurado ako wala na akong makikita kasi kaming lahat andito kami sa office pero wala parin akong takas pumunta kasi ako doon sa cr para umihi yung cr nasa may dulong part nung hallway habang naglalakad ako naalala ko yung babaeng nakaitim na nakita ko kagabi kaso sa sobrang ihi ko binilisan ko nalang. Pero ang problema di lang pala ako naiihi kundi tinatawag na ako ng kalikasan. Kaya pumasok ako agad doon sa isang stall. Para di na ako matakot nag headset nalang ako at nakinig ng music sobrang lakas pero di ko maintindihan kung bakit rinig ko na may kumakatok sa labas kaya tinanggal ko saglit tapos sumigaw na "may tao po dito" pero di parin siya tumigil sa pagkatok at papalakas pa ito ng papalakas kaya binilisan ko nalang pagtayo ko napatingin ako sa baba may paa doon sa kabilang stall puting puti na parang wala ng dugo tapos parang may naramdaman akong pumatak kaya tumingin ako sa taas paglingon ko tongue in a mukha ng babaeng nakangiti pero puro dugo mukha niya at mukhang nakabitin siya kasi may tali sa leeg niya. Kaya napatakbo ako papalabas di ko pa naisarado yung pantalon ko at sigaw ako ng sigaw tapos pinuntahan nila akong lahat tapos kwinento ko pumasok yung ilan sa loob kaso wala silang nakita. Halos mawalan ako ng malay dahil doon sa nakita ko. Simula nun nagpalipat na kami ng office at usap usapan sa campus na simula nung gabing yun yung mga estudyanteng nag stay doon tuwing gabi ay may nakikita din daw na babaeng nakaitim doon sa may dulong hallway.

-End-

Spookify StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon