Nung last semester ko sa isang kilalang unibersidad naisipan namin ng mga kaibigan ko na mag apartment tapos magshare kaming tatlo para housemates kami.
Pero bago ko ikwento yung nangyari ay may mga nagpapakita na at nanakit na sa akin sa mga panaginip ko.
Madalas ay inaaya nila ako na sumama na sa kanila. Siyempre hindi ako sumama kaya naikwento ko pa ang isa sa mga nakakatakot na nangyari sa akin.
One time antok na antok ako so naisipan ko na matulog pagkatapos ko gumawa ng isang part ng manuscript ko. Nanaginip ako na nasa loob ako ng campus. Pero yung hindi ko maipaliwanag kung bakit ako nakakaramdam ng takot at kaba. Lumingon lingon ako baka may malapit na something kaya ganun ang pakiramdam ko at hindi ako nagkamali may nakita akong black na figure, kulot ang buhok, may pulang mga mata, at may matulis na mga kuko. Katulad ng nakita ko sa bahay namin. Hindi ko alam gagawin ko. Pero nung gumalaw siya bigla akong tumakbo paglingon ko sinusundan niya ako. Ang naisip ko lang that time ay umuwi sa apartment. Nakarating ako sa may apartment pero sarado ang pinto. Kumatok ako at sumisigaw pero alam ko na panaginip ito kaya walang makakarinig sa akin. Pagtalikod ko nakita ko na malapit na malapit na siya buti biglang bumukas yung pinto. Tapos nagising ako. Pagkagising ko nagpapanic yung dalawa kong housemate.
Tinanong ko ano nangyari? Sabi may kumatok, pareho nilang narinig pero pagbukas ng pinto walang tao.
Sabi ko, salamat may nagbukas kasi kung hindi baka hindi ako nakabalik sa katawan ko at nagising. Tapos ayun mas nagpanic sila.
-End-

BINABASA MO ANG
Spookify Stories
HorrorMga kwentong nakakakilabot, kababalaghan, base sa katotohanan. Source: Spookify ©SpookifyOfficial