Ferris Wheel

364 14 0
                                    

Madalas akong managinip ng sobrang weird na pangyayari.

Pero pagkagising ko di ko na siya eksaktong maalala.
Then this time ayaw talagang mawala sa isip ko yung panaginip nato.

Sa panaginip ko may isang ka-schoolmate daw kaming namatay nung nag 1st year college kami (grade 10 palang ako so graduating na), kami yung sinisisi sa pagkamatay nung babae. Sobrang takot ko nun kase akala ko totoo.

Puro sinasabi ko na wala kaming kasalanan na hindi namin alam yung nangyari about don. Ang naaalala ko sa panaginip ko is yung scene na nasa may isang place kami na may ferris wheel may kasama akong isang babae (sa tingin ko eto yung sinasabi nilang namatay) saka tatlo pang lalaki.

Di malinaw yung mukha nung babae pero yung isang lalaki kilala ko. Kababata ko siya pero ngayon di na kami close. So yun na nga yung babae parang may hinahanap siya na di ko malaman kung  ano. Feeling ko ang close close namin nung time nayon. Naguusap kami na para bang kilalang kilala namin ang isat isa.

Biglang naputol yung panaginip ko pero alam ko na dun na scene nayon namatay yung babae. Sa ilalim nung ferris wheel. Lahat ng kaklase ko parang galit samin at kami yung sinisisi sa di ko malamang dahilan.
Dahil nga putol yung panaginip ko hindi ko na alam kung anong nangyari dun sa babae.

Hanggang ngayon natatakot ako kase grade 10 palang ako at baka pag nag 1st year college ako mangyari tong panaginip ko nato.

Pero sana hindi.

-End-

Spookify StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon