Caring Ghost

512 21 2
                                    

Ako yung tipo ng tao na sobrang matatakutin. Makarinig lang ako ng kaluskos, kinikilabutan na ako. Pag gabi at ako'y iihi, magpapasama pa ako sa kahit sino kasi duwag talaga ako. Hindi ako mahilig sa mga horror movies dahil sigurado ako na hindi ako patutulugin ng mga yun sa gabi. Basta duwag ako. Ayoko sa mga multo. Pero lahat yun nabago dahil sa nangyari last year. My grandparents died in a car accident. I was really close to them to the point na I almost lost myself too when they died. Dahil sa pagkawala nila, nagbago ang pananaw ko tungkol sa mga ghosts.

A month after they died, it was May 2015 back then, naiwan ako mag-isa sa bahay tapos nasa taas lang ako sa may room ko habang nag fefacebook. Nagutom ako so bumaba ako to get some food sa fridge tapos sht yung radyo sa kusina biglang bumukas, as in hindi siya naiwang nakabukas kasi habang bumababa ako, nakapatay naman siya. Saktong paglapit ko lang saka siya bumukas. Nagulat pa nga ako e. Tapos guess what? Theme song pa ng lolo at lola ko yung tumutugtog. Yung right here waiting. So ayun, initial reaction ko natakot ako at nawala gutom ko. Umakyat ako sa room ko tapos naiyak ako kasi namimiss ko na sina lola and lola.

One time naman, birthday ng lolo ko nung October 2. Nagcelebrate pa rin kami ng parents ko kahit alam namin na wala na siya. Naghanda kami ng foods tapos nagsindi ng candles tapos nag offer din kami ng prayer. Kumakain na kami nun ng parents ko nang biglang matabig ng mama ko yung mug ng lolo ko (Hindi namin ginagamit yung mug, nakalagay lang sa mesa dahil bday ng lolo ko at fave nya yung mug na yun). Tapos tiles yung sahig namin so impossible na hindi mabasag yung mug diba? Believe me, hindi nabasag. Tumayo talaga mga balahibo ko sa braso nun.

Tapos Christmas eve, nasa kabilang bahay ang parents ko kasi nakikipagsocialize sila sa kapitbahay namin. Ako nagvolunteer na maiwan na lang sa bahay para mag-ayos ng mesa for the noche buena. Nag-aayos nga ako ng mesa at kumukuha pa ako ng nga pagkain sa kusina nang marinig ko na may parang humihila ng upuan ng lamesa. Akala ko nga parents ko lang, baka nakauwi na kako sila. Paglingon ko wala namang tao. Tapos yung mga upuan, nakaayos pa rin. So hindi ko na lang pinansin. Tapos kumuha ulit ako ng pagkain sa kusina at napansin ko sa wall sa harapan ko which is color white na may parang 2 black na figure, which is shadow of course. Napakalapit nung shadow ko sa shadow nila. Lumingon ako sa likod at nagsalita ako na ""Merry christmas po"" tapos tinuloy ko na yung pag aayos ko sa mesa. Hanggang sa nakauwi na parents ko at hindi ko na kinwento sa kanila.

Last na. Mag-isa ako sa bahay kasi my parents were out for vacation. Nasa palawan sila. Yung kasambahay namin, nasa hometown niya sa Rizal kasi malapit na ang semana santa. So mag isa lang talaga ako. Okay naman ako, wala naman akong nararamdaman na kakaiba hanggang sa natulog ako ng around 1:00 am. Tandang tanda ko, hindi ako nagkumot nun. At imposible rin na magkumot ako habang natutulog ako kasi nakaligpit sa desk ko yung kumot ko. Nagulat ako paggising ko, nakakumot na ako. And guess what? Yung kumot na nasa desk ko ay nandun pa rin. So saan nanggaling ang kumot na nakakumot sakin? Pero thank you sa kumot dahil sobrang giniginaw ako paggising ko kasi di ko pala napatay aircon ko.

So ayun, napatunayan ko na hindi naman pala nakakatakot talaga ang mga multo. Saka walang dahilan para katakutan ko sila. Kung totoo man na lolo at lola ko yung nagpaparamdam sakin, nagpapasalamat ako kasi kahit wala na sila, naaalala pa rin nila ako. Miss na miss ko na sila. At kahit minsan kinikilabutan pa rin ako, okay lang, basta sila ang mumulto sakin.

-End-

Spookify StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon