Ako pala si JL from Nueva Ecija, ang ibabahagi ko sa inyong karanasan ko about paranormal ay nangyari o nagsimula when I was 5 years old. Hilig ko laging matulog noon, excited ako tuwing sasapit ang gabi dahil sleep time na, dahil sa panaginip ko lagi akong masaya, opposite sa nangyayari sa totoong buhay na nararanasan ko. Tandang tanda ko pa, may kalaro ako lagi sa panaginip ko, as in everytime I had dreams, lagi siyang naroon, he's different, kung ididiscribe ko siya para siyang goblin o duwende na napapanood natin sa mga fantasy movie or what, mayroon siyang mahabang tenga, kakaibang balat at ilong at siyempre maliit siya. Sa panaginip ko, hindi ako natatakot sa kanya, he made me always happy at lagi ko siyang kalaro sa harap ng bahay namin, lagi niya kong binibigyan ng pagkain sa panaginip ko, at ang di ko malilimutan yung binigay niya sakin na libro, may nakasulat doon, pero di ko matandaan kasi siguro hindi pa ako nakakabasa noon. Let's jump in sa pinakatatandaan kong part noon, when I was 8 years old laging laman ng mga panaginip ko, lagi siyang galit tapos parang hindi niya ko napapansin kahit nakikita ko siya and then one time bigla na lang siyang nawala sa panaginip ko at ang di ko malilimutan yung pinaka huling pagpapakita niya sa panaginip ko, patay na siya, nakita ko talaga na nakalibing na siya sa mismong lugar kung saan siya sakin nagpapakita. Pagkagising ko noon, lumuluha ako, di ko alam kung bakit, pero ang alam ko nalungkot ako after that dream. Hanggang ngayon hindi ko malilimutan yung mga nangyari sa panaginip ko noong ako'y bata pa. I am now 19 years old. Lately, pumunta ako sa tindahan ng lola ko para mangutang, nakikipagbidahan yung lola ko sa may tita ko. Di ko naman sinasadya habang nag-iintay akong matapos yung pinag-uusapan nila siyempre di ko sinasadyang makinig. Sabi ng lola ko, yung pinsan daw ng tita ko, which is tita ko din, 1998 noong nagbubuntis daw yung tita ko na 'to at nang nanganak, kakaiba daw yung pinanganak nito. Sa pagkakadescribe ng lola ko e, itsura daw itong duwende may mahaba daw itong tenga, ilong at maliit kumpara sa normal na sanggol. Kinilabutan ako nung narinig ko yung pinagkwekwentuhan nila, ang lamig ng pakiramadam ko. Yun daw sanggol na 'yon hindi daw nagtagal ng limang minuto at namatay din, inilibing daw ito sa harap ng bahay namin that day din nung ipinanganak siya. Tugma sa lugar kung saan ko laging napapaginipan yung kaibigan kong tugma sa pagkakahiwatig ng lola ko. Hindi mawala sa isip ko yung kwwnto ng lola ko, hindi ko na siya inurirat about dun. Pero siguro yung pinsan ko na yun at kalaro ko sa panaginip ko noong ako'y bata pa ay iisa. Ang laging tanong ko sa sarili ko, ano kaya talagang nangyari sa pinsan ko? Bakit galit siya sa sa mga huling panaginip ko? Siya kaya talaga 'yon? Kung siya man 'yon tingin ko may totoong dahilan siyang gustong iparating sakin kung bakit siya nagpapakita sa panaginip ko. Hinihintay ko pa rin ang pagbabalik niya sa panaginip ko para maliwanagan ako, pero hanggang ngayon wala pa rin.
- End -
BINABASA MO ANG
Spookify Stories
TerrorMga kwentong nakakakilabot, kababalaghan, base sa katotohanan. Source: Spookify ©SpookifyOfficial