Kakauwi ko lang galing school ng nag brownout. 5 pm inutusan ako ng lola ko na mag lagay ng mga plato sa mesa kasi pauwi na mga pinsan ko at mag didinner na.
Sobrang lakas ng ulan at kumikidlat, pa dilim na rin nang may narinig kaming umuungol sa library room namin.
"Apo, yung lolo mo puntahan mo baka may kailangan"sabi ng lola ko,
na stroke kasi si lolo kaya sa library room nalang siya natutulog. Kinuha ko yung kandila, tuloy tuloy yung pag ungol ng lolo ko, kumatok ako sa pintuan at binuksan nang bilang sumara yung pinto at namatay ang
kandila dahil sa lakas ng hangin."Lolo, bakit po?"
Ungol lang naririning ko, sobrang dilim ng kwarto at wala akong makita, lumapit ako sa higaan niya at kinapa yung kama nang biglang tumaas balahibo ko. Sumigaw bigla lola ko at tinawag ako ""APO!"" Dali dali akong lumabas ng kwarto At takot na takot. Lumapit ako sa lola ko nag sisindi ng kandila sa altar.
"Tara samahan mo kong ipag dasal lolo mo"
Nawala sa isip namin ng lola ko na patay na pala si lolo 1 week ago pa. Habang nag dadasal kami umuungol pa din yung lolo ko hanggang sa dumating na yung mga pinsan ko at nawala na yung ungol niya. "

BINABASA MO ANG
Spookify Stories
TerrorMga kwentong nakakakilabot, kababalaghan, base sa katotohanan. Source: Spookify ©SpookifyOfficial