GQ #7

2.5K 47 0
                                    

Kassandra's POV.


"Beb, late ka na..." sabi ni Kuya Krix.


"Di pa ako late kaya wag kang atat di naman ikaw 'yung papasok." Pabalang kong sabi habang inaayos ko ang necktie ng uniform ko.


"Kahit na Beb! Magagalit si Mom neto eh!"


"Eh di magalit siya, I don't care..." sabi ko at kinuha ko ang backpack ko. Dire-diretso akong lumabas ng mansion at sumakay sa sasakyan ni Caiver.


"Bakit ang tagal mo?"


"Pakialam mo ba?"


"Baby, bakit ba ang sungit mo? Wag mong sabihing magkakapamangkin na ako?"


Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng tarantado kong kambal. Bigla ko siyang binigwasan, talagang pinaiinit niya ang ulo ko.


"Nababaliw ka na ba Cai? Anong pumasok sa isipan mo at nasabi mo 'yang mga 'yan?!"


"Instincts Baby, ayos ka lang ba talaga? Gusto mo 'wag ka munang pumasok sabihin mo na lang kina Mom at Dad." Sabi ni Cai at sinumalan ng paandarin ang sasakyan.


"I'm fine Cai kaya wag kang mag-alala ginagawa niyo kong bata eh." Inis kong sabi sa kambal ko.


Di na rin ako nagtataka kung bakit minsan high-blood ang mga impakta sa mga kambal nila, napaka-overprotective kasi.


Tahimik lang kami sa byahe hanggang makarating kami sa Styte U, pagkapark ni Cai ng sasakyan ay agad akong bumaba ng sasakyan para hanapin si Rowins.


Papunta ako ng gym para puntahan siya dahil doon ko siya laging nakikita, habang papunta ako ng gym nakasalaubong ko si Jin na nakasimangot kasama si Jared at Arthur.


"Saan lakad niyo at kasama niyo si Arthur?" tanong ko sa kambal.


"Casino, tuturuan lang namin sila magsugal para alam mo na dapat ikaw Kassandra kaso you're busy nga pala. Where's Caiver?" tanong ni Jared.


"Nasa parking lot, well anyway have you seen R-"


"Your husband? Of course Camille, he's on the class. Di mo ba alam na late ka ng 1 hour sa klase mo ngayon, don't tell me porket kayo ang may-ari ng school eh lagi ka na lang ganyan," nakangising sabi ni Jin, talagang inaasar niya ako ngayon. Nakita kong napatingin siya relo niyang mamahalin at binalik ang tingin sa'kin. "Siguro next time na lang tayo mag-usap. We have lot of things to finish, see you later..." mala-demonyo niya akong nginitian at nagsimula sa maglakad kasama si Jared at Arthur.


Diretso akong naglakad papasok sa building kung saan nandoon ang klase ko at malamang na nandoon na rin ang bwisit ng Rowins na 'yon.


Nag-elevator ako para madali akong makarating sa klase ko ngayon dahil isa't kalahating oras na akong late at wala akong pakialam kung anong subject dahil papasa naman ako.

My Wife is a GANGSTER QUEEN (Bitchers Series #2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon