--
Jairel's POV.
"Dad, bakit ba kasama pa ako rito?" inis na sabi ko habang nasa yacht kami papunta sa isla na pinagmamalaki ni Dad.
"I know you're planning to go back sa Mexico kaya inunahan na kita agad, Prince."
"Minsan lang 'to, Prince. Don't you want to spend time with us?" Nagtatampong sabi ni Mom. Inismiran ko na lang sila saka lumayo sa pwesto nila.
Tinanaw ko ang payapang dagat, napahalumbaba ako sa railings ng yacht. Dapat lumipad na agad ako papunta sa Mexico kung alam kong pupunta kami dito. Kuya Jaric fooled the hell out of me!
"Prince, why are you so mad?" Natatawang sabi ni Ate.
"You all fooled me! Sinong hindi magagalit?"
"Prince, halos di ka na nga umuuwi sa bahay eh kaya Kuya have no choice but to fool you. We just want you to spend your time with us. Bawal ba iyon, Prince?" Malungkot na saad ni Ate. Napasabunot na lang ako ng buhok sa inis. As if naman na may choice ako? Nandito naman na ako kasama sila, they only needed is that I need to be with them until the vacation ends.
"Hindi, you should tell me about this. Not fooling me around, alam niyo naman pagdating sa inyo madali lang ako naiisahan." Ismid ko saka tinalikuran si Ate.
Ito ang ayaw ko sa kanila, they're taking advantage my weakness. Alam nila kasi na isa sila sa kahinaan ko at saka si Kassandra.
Damn, why I kept muttering her name?! Why do I always thinking about her? Ginulo ko na naman ang buhok ko sa inis.
"Is there something wrong, Prince?" tanong ni Kuya Jaric na galing sa kabilang deck ng yacht.
"Wala, iniisip ko lang paano ako makakabalik sa Manila nang walang nakakaalam." inis na sabi ko.
"Don't get mad, Prince..."
"I'm not... yung..." di ko na maituloy yung sasabihin ko kasi alam kong tutuksuhin niya lang ako.
"Yung?" nagtatakang tanong ni Kuya Jaric.
"Never mind." malamig na sabi ko.
"Prince, pwede mo naman sabihin sa akin. I promise that I won't tell it to everyone."
"Don't you even dare to laugh!" Inis na sabi ko.
"I won't. Ano ba kasi iyon? At bakit di ako pwedeng tumawa? Nakakatawa ba yang sasabihin mo, Prince?"
Umiling ako saka napabuntong-hininga.
"Di pa rin mawala sa isip ko si Kassandra. Kahit ang tagal na naming naghiwalay, para akong nasisiraan ng bait."
"It's natural, Prince. In love ka, so why would I laugh about that?" Nagtatakang tanong ni Kuya.
"Prince, I'm going to ask you. Do you really want her back?" Tanong ni Kuya.
Hindi ko siya sinagot. I want her back pero hindi pwede. Magkakasakitan lang kaming dalawa.
"Think about it, Prince. Pagdating natin ng isla, you should probably enjoy the vacation at para makapagisip-isip ka na rin." Nakangiting sabi ni Kuya Jaric saka ginulo ang buhok ko. "Pinapasabi rin pala ni Dad na malapit na tayong dumaong, wag ka na magmaktol dyan Prince."
Tinalikuran ko na lang si Kuya saka lumipat sa ibang pwesto kung saan natatanaw ko ang mga ibon na pumapalibot sa tubig para maghanap ng isda na mahuhuli. Humiga na lang ako sa hammock na malapit paakyat sa upper deck at ipinikit ko ang mga mata ko, sumabay sa agos ng malamig na simoy ng hangin.
BINABASA MO ANG
My Wife is a GANGSTER QUEEN (Bitchers Series #2) ✔
AzioneShe's a gangster, a gangster queen. Kassandra Camille Styte, the deadliest woman in Styte University despite of being a great frenemy of her dear boy bestfriend Jake Zairuz Alfieste na laging umiintindi sa nakakasukang niyang ugali. Marriage is not...