GQ # 30

1K 25 10
                                    

--

Prince Jairel on the picture

--

Kassandra's POV.

"You can now go," malamig na sabi ko sa kanila.

"Pero Boss, paano ka naman?" Tanong naman ni Jayvee.

"Pupuntahan ko si Shana, isasama ko si Jensen." Sabi ko saka bumaling ako kay Jensen na nakapamulsa at nakatingin sa malayo.

"Does Shaun knows about this?" Tanong naman ni Lawrence.

"Hindi ko alam, he shouldn't know. He's still at his work with Jed." Sabi ko saka napatingin sa cellphone ko.

Napakuyom ang kamao ko sa galit. Ano ba problema nila sa amin ni Jairel? Bakit kailangan pa ng taong iyon na mandamay?

"Jensen, are you coming with me?" 

"Dala ko ang sasakyan ko Kassandra, susunod na lang ako sa'yo." 

"Boys, mauna na kayo. Basta, wag niyong kakalimutan yung sinabi ni Jensen." 

Tumango ang mga ito saka kanya-kanyang nagsipuntahan sa mga sasakyan nito saka nagsimulang umalis.

"Why is this happening?" Tanong ko saka napahawak sa sentido ko.

"Hindi ko alam, even Jin, she's trying to figure this out." Sabi ni Jensen saka umupo sa hood ng sasakyan niya. "Ikaw ba? May ideya ka ba bakit nangyayari ang mga ito? Do you feel anything that seems connected?" Saka humalukipkip ito.

Napasandal ako sa sasakyan ko saka tumingala at pinagmasdan ang asul na kalangitan na puno ng payapang umaagos na ulap.

"Wala akong ideya. Hindi ko rin nga alam bakit nangyayari ito." Pagsisinungaling ko. May ideya ako sa mga ito, pinipilit ko lang ipagdugtong lahat at hinahanap ang dahilan bakit ginagawa sa amin ito.

"I'll go first, Renz texted me that they're still outside the emergency room with Kevin. Sinabi niya rin na hindi pa alam ni Shaun at mukhang wala silang balak ipaalam sa kanya."

"Your friends are there already."

"Si Jin?" Out of the blue kong tanong.

"I don't know about her whereabouts today. Huling sinabi lang sakin ng mga ka-gangmates niya na she's heading somewhere to give some important files." Sabi nito saka tumango ako.

Naunang pumasok si Jensen sa sasakyan nito. Pinatunog niya ang sasakyan niya hudyat na aalis siya, mabalis nitong pinaharurot ang sasakyan nito palabas ng Hell World. Napabuntong-hininga ako saka pumasok sa sasakyan ko. Binuhay ko ang makina saka mabilis itong pinaharurot patungong ospital.

My phone rang then I answered it. The voice seems cracked and tumawa pa ito nang mala-demonyo sa kabilang linya.

"You really want to play with me Cass, huh? I just wanted you to know that I down two of your friends and six already left... kung gusto mo silang iligtas, alam mo na ang dapat mong gawin."

*toot*

Shit! Napahampas ako sa manibela ko dahilan para mapatunog ko ng malakas ang busina ng sasakyan ko. Kumatok ng tatlong beses sa bintana ko si Jensen.

Di ko namalayan ang na nandito na ako sa hospital. Lumabas ako ng sasakyan ko saka sinalubong si Jensen na nakakunot ang noo.

"Is there any problem?" Tanong ni Jensen saka napamulsa.

My Wife is a GANGSTER QUEEN (Bitchers Series #2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon