GQ #13

1.4K 39 11
                                    


Kassandra's POV.

Pagkatapos ng laban namin sa Hell World, hindi na kami nagpansinan ni Jairel.

Sino ba naman magpapansinan after ng laban? Ngayon ko lang naranasan na magkaroon ng draw sa laban. Hindi ko ineexpect iyon lalo na elimination round, ngayon lang ako nagkaroon ng record ng ganoon.

Nandito kami sa sala, nakaupo kami sa magkabilang sofa. Abala ako sa pagkain ng chichirya habang siya ay abala sa pagbabasa ng libro. Inabala ko na lang sarili ko sa panonood ng t.v. manigas siya dyan, akala naman neto papansinin ko siya. Masyado siyang feeler! Bagyong-bagyo ang dating!

"Señorita, may bisita po kayo." sabi ng maid. You heard it right, may maid na kami thanks to my sweetest twin brother sa pagsasabi kila Mom na wala akong silbi at walang kwentang asawa. Nagpadala siya ng mga maids tapos yung mama naman ni Jairel mga cook sa bahay.

"Sige papasukin mo." malamig na sabi ko.

"Why o why!?" Napapikit ako sa inis ng marinig ko ang boses ni Myka. Ang ingay talaga niya at hindi na ata magbabago iyon.

"Anong ginagawa ninyong lahat dito?" inis na tanong ko.

"Wala lang. May sasabihin kami sayo." sabi ni Danna at saka humagikhik. Napasimangot ako sa sinabi nila, ininvade nila ang space ko at saka nagsiksikan silang umupo pwera lang kay Jin na nakasandal sa gilid ng pintuan.

"Pwedeng dito na lang?" nakasimangot na tanong ko.

"Its very private kasi, you know..." sabi ni Danna at saka humagikhik.

Napalingon si Jairel sa pwesto namin, napatigil sa pagbabasa dahil sa ingay ng mga impakta. Bumalik ulit si Jairel sa pagbabasa at hindi na lang niya kami pinansin.

"Hi Jairel, if you don't mind, balak sana namin na kumain sa labas isasama namin ang asawa mo." malumanay na sabi ni Cindi.

Napatigil si Jairel sa paglipat ng pahina ng libro. Tumingin siya sa pwesto namin, blangko ang ekspresyon.

"Bakit hindi na lang kayo dito mag-usap? Wag niyo na ako alalahanin." malamig na sabi ng animal.

"Really? It's okay for you na dito mag-usap?" nakangising turan ni Shana.

"Shana!" I hissed. Bestfriend ko ba talaga itong babaeng 'to?

"Yeah," sabi ni Jairel at saka tumango. Inutusan ni Jairel ang mga maids na magdala ng meryenda para sa mga kaibigan ko.

"Ano ba sasabihin niyo?" inis na tanong ko.

"Jin, bakit hindi ka muna umupo?"

"I'm not comfortable sitting with those bitches." inis na sabi ni Jin at saka umupo sa binigay na antique chair galing Gresya ng katulong namin. Dinala ni Jin iyon malapit sa amin, sa pagitan ng sofa na kinauupuan ni Jairel at sofa na kinauupuan naming lahat.

"So, ano pala ang pag-uusapan natin?" inis na tanong ko.

"Do you really want to talk it about?" ngising tanong ni Myka.

"Sasabihin mo ba o babarilin kita?" gigil na banta ko habang nakatutok sa sentido niya ang dessert eagle.

"Spill it out Danna, mas ikaw ang nakakaalam ng mga palpak niyong plano." inis na sabi ni Jin.

"Hey! Hindi kaya palpak, you even participated about that."

"Sasabihin niyo ba talaga? Kung hindi, umalis na lang kayo."

"Okay, we'll tell it na. Masyado kang g na g eh." natatawang saad ni Caira.

"So, ayon... me and Myka have plan to set-up you and Jairel on a date." diretsong sabi ni Danna.

My Wife is a GANGSTER QUEEN (Bitchers Series #2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon