Kassandra's POV.
"Matagal pa ba 'yang byahe natin!?"
"Di ko alam." Pabalang niyang sabi.
"Ano?! Hindi mo alam? Wag mong sabihing naligaw tayo?!"
"Tingin ko ay kasalanan mo kung bakit naliligaw na tayo ngayon."
Napatampal na lang ako sa noo ko at sumandal sa bintana ng kotse niyang bulok.
"Bakit ngayon pa?! Puro na lang kamalasan!" angil ko.
"Look, ikaw nga ang dahilan bakit naliligaw tayo ngayon. I need to call our parents kung saan 'yung bagong bahay natin."
Akma siyang tatawag pero pinigilan ko siya.
"Tatawagan mo talaga sila? I thought you know the route?" inis kong tanong sa kanya.
"You know Kassandra, gusto ko nang umuwi ng matiwasay, gusto ko ng magpahinga at matulog kung ayaw mo, you're free to get out of my car!" angil niya sa akin.
I sighed in surrender. No choice kailangan ko rin magpahinga. Bakit kasi kailangan pa namin lumipat sa bagong bahay? Like duh, pwede naman kami sa kanya-kanyang bahay dahil arranged marriage lang naman ang set up namin, kinasal lang kami sa papel."Hello Mom, can you please send me the address? I forgot kasi kung saan 'yung bagong bahay. Yeah-yeah naligaw nga kami because of this spoiled brat beside me. Yeah, Kuya send it na? Okay thanks. Anong I'm expecting? Stop it Mom pssh yeah good night and bye."
'I'm expecting?' sinabi ba talaga ng mama niya 'yon? Umaasa ba talaga siyang magkakaroon siya ng apo sa amin ng Rowins na 'to? Sige, umasa lang siya kasi hindi mangyayaring magkakaanak kami ng Rowins na 'to. Baka nga baog pa ito at hindi niya pa mabigyan ang mama niya ng anak.Pagkatapos nilang mag-usap ng nanay niya. Kailangan ko ng mag-isip kung ano itatawag ko sa mama ng Rowins na 'to.
So nakatira kami sa subdivision malapit sa school kung hindi lang kami naligaw kanina eh di sana nandito na kami kanina at nakapagpahinga na.
"Malapit lang pala ang bagong bahay natin sa school pero mas gugustuhin ko pa rin tumira sa mansion." wala sa sariling sabi ko.
"Mas gusto mo pang sa mansion na malayo sa school," inis na sabi Rowins habang abala sa pagp-park ng sasakyan.
"Of course kesa naman tumira ako dito, walang gagawa ng gawaing-bahay." sabi ko at inismiran si Rowins.
Pagkapark ng sasakyan ay agad akong bumaba para tingnan ang kabuuan ng bahay na titirhan namin.
"Kunsabagay, prinsesa ka kasi. Kababaing tao hindi marunong ng gawaing-bahay. Hindi na ako magtataka kung mauubos lahat ng gamit sa bahay kung susubukan mong gawin iyon." sabi ni Rowins at binuksan ang pinto ng bahay namin.
Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Grabe siya sa akin ah akala mo naman marunong 'tong tukmol na 'to sa gawain bahay baka magpa-baby pa siya sa nanay niya na bigyan kami maids kasi wala ni isa sa'min ang marunong ng gawaing bahay.
Pagkapasok pa lang, kita mo ang simple pero maaliwalas na disenyo sa interior ng bahay.
"Who design this? I mean, sino ang namili ng design na 'to?" tanong ko.
"My best friend designed it at ideya ni Mommy 'to. Kung ayaw mo 'yung design sabihin mo lang at ipapapalitan natin 'to, ikaw pa naman masyadong maarte." malamig na sabi niya at umalis sa harapan ko.
Aba't parang siya hindi maarte ah? 'Pag nag-inarte siya, isasaksak ko sa baga niya ang design na gusto niya. Idadamay niya pa ako eh parehas naman kaming maarte tsk.
BINABASA MO ANG
My Wife is a GANGSTER QUEEN (Bitchers Series #2) ✔
ActionShe's a gangster, a gangster queen. Kassandra Camille Styte, the deadliest woman in Styte University despite of being a great frenemy of her dear boy bestfriend Jake Zairuz Alfieste na laging umiintindi sa nakakasukang niyang ugali. Marriage is not...