GQ #9

1.7K 40 3
                                    

Kassandra's POV.

Ang makasama si Rowin sa iisang bubong ay isang impyerno.

Di ko alam bakit naisip pa ng magulang namin na magsama kami besides arrangement marriage ito hindi to totoo, I mean kasal lang kami sa papel. Sa totoo lang, gusto ko ng umuwi sa mansion. Mas payapa akong makakatulog doon di hamak na mas malaki pa 'yung kama ko sa kama doon sa kwarto namin ni Rowins.

Di ko alam paano ako nakatulog ng mahimbig sa loob ng walk-in closet, nagising na lang ako ng katukin ni Rowins iyon.

Hindi na ako pumasok sa klase dahil late na ako, dumiretso na lang ako sa hide-out ko. Pagkabukas ko ng pinto, sinalubong ako ng mga impakta na walang ibang ginawa kung hindi ang inisin ako.

"Kumusta na ang Mrs. Rowins? Magkakaroon na ba kami ng inaanak? Mukhang puyat na puyat ka ah, enjoy ba ang second honeymoon niyo?" asar ni Myka sa akin.

"Walang honeymoon'g naganap! Nakita niyo 'tong eyebags na to-"

"Kita namin, hindi naman siguro kami bulag para hindi makita 'yan di ba?" putol ni Jin at inismiran lang ako, binalik ang atensyon sa pagbabasa. Sinamaan ko lang ng tingin si Jin at tumawa ang iba.

"Ituloy mo na? Anong nangyari at bakit nagka-eyebags ang mahal na prinsesa?" natatawang asar ni Phia.

"Nag-agawan kasi kami sa kumot tap-"

"Tapos ano? Nagkiss kayo? Ano ba 'yan walang thrill! Very common na 'yang pangyayari na iyan eh." reklamo ni Myka.

"Very common pala ha? Ibig sabihin nagawa niyo na ni Rendrew iyon?" nakangising tanong ni Caira.

"Hmm, of course... not! Bakit naman namin gagawin iyon like duh kahit matagal na kaming mag-on, hindi namin gagawin iyon 'no." sabi ni Myka sabay irap.

Gusto ko na lang iuntog ang ulo ko sa pader dahil nagr-replay talaga sa utak ko ang mga nangyari kagabi. Kailangan kong gumanti, kailangang magbayad si Rowins sa ginawa niya dahil lintik lang ang walang ganti!

"Ano ba ang best way para makaganti kay Rowins?"

"Try mong mag-search sa google baka sakaling makita mo iyon sagot." sabi ni Cindi habang abala sa paggawa ng homeworks ni Lucky Villaserdal.

"Makakatulong ba ang google sa tanong ko? Nagtatanong ako ng matino!" inis na ani ko.

"Matino rin naman ang sagot ni Cindi ha? She used her witts for you kasi kanina pa lumilipad ang isip mo. Hindi ka pa rin ba makaget-over sa nangyari sa inyo ng asawa mo? Magiging ninang na ba kami!?"

Sinamaan ko ng tingin si Caira, gusto ko siyang isabit sa flag pole anumang oras.

"Bakit ba atat na atat kayong magkaanak ako ha? Ni sa panaginip hindi ko pinangarap na magkaanak ako 'no!" gigil na sabi ko sa kanila.

"Ikaw kasi ang unang nag-settle down sa ating lahat. Mukhang tama nga si Jin na ikaw ang unang magpapakasal sa atin." natatawang turan ni Phia.

Napahilot ako sa sentido ko dahil sinabi ni Phia. Kaibigan ko ba talaga itong mga 'to?

"Tulungan niyo na lang si Camille maghanap ng paraan kung paano maghiganti. Naiirita na ako sa mga kilos niya kanina pa." malamig na wika ni Jin. Nagkasalubong ang mata namin, kita ko ang pagtaas ng kilay niya at binalik ang atensyon sa pagbabasa ng classic novels.

Binuksan ni Danna ang kanyang laptop at agad siya nagpunta sa site ng google.

"Caira, tutal ikaw naman ang expert sa mga google search eh ikaw na mag-type."

"Anong ako? Never akong nag-google search."

"Never? Eh halos lahat ng sagot sa assignments mo eh galing google. Copy paste pa more." nakangising sabi ni Myka.

My Wife is a GANGSTER QUEEN (Bitchers Series #2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon