Kassandra's POV.
Tahimik lang nakaupo si Rowins at nakatingin sa kawalan. Nandito kami sa likod-bahay, hindi ko alam bakit dito niya ako dinala. Siguro hindi siya makaget-over sa ginawa ko sa kanya kagabi. Quits lang kami dahil sa ginawa niya nung isang gabi.
"Would you mind explain to me kung bakit mo ginawa iyon kagabi?" inis na tanong ni Rowins. Scratch his fucking name ayokong tawagin siyang Prince, pangalan pa lang nakakasuka na.
"Yung ginawa ko kagabi partly of my revenge, so kwits na tayo." sabi ko at umupo ako ng pa-de kwatro.
"Sit like a lady, mas mukha ka pang lalaki sakin kapag umupo."
"Mas mukha ka pa ngang babae sakin kapag ganyan ang style ng pag-upo mo eh, tell me nga bakla ka ba?" gatong ko at hinarap ko siya.
His jaw clenched, ngayon ko lang nakita na ganito pala ka-perfect ang view ni Rowins kapag naka-side view, ang gwapo. Hindi ko maitatanggi na gwapo si Rowins kahit na may pagkamahangin ito parang si Raven Hernandez kaso si Raven, super typhoon na sa sobrang hangin.
"Quit staring..."
"I'm not staring at you, wag kang feeling." inis na sabi ko at saka nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Really? Ganda ba ng view kaya titig na titig ka sa gwapo kong mukha?" ngising sabi niya.
Binato ko siya ng masamang tingin.
"Aba't ang kapal naman ng pagmumukha mong sabihin sa harap ko iyan! Saan banda iyang sinasabi mong gwapo mong mukha? Teka, hindi ko makita eh." sabi ko at ininspeksyon ko ang pagmumukha niya nang naasar siya sa ginawa ko, inismiran ko na lang siya.
"Tss," singhal niya at saka tumayo. "Let's go outside, I'm fucking hungry. Bakit wala pa rin silang pinapadalang cook dito sa bahay?!" inis na sabi niya at saka padabog itong pumasok sa loob ng bahay.
Umiling na lang sa ginawa niya at saka sinundan siya hanggang garage.
"Sakay!" inis na sabi niya. Naningkit ang mata ko sa inasta niya, ganito ba kainit ang ulo niya kapag gutom? Kung sabagay hindi pa nga kami nagb-breakfast at nalipasan na rin kami ng lunch. Ewan ko kung bakit natiis namin ng ganoon katagal sa likod-bahay na hindi pa kumakain.
"Saglit lang! Atat masyado!? May lakad!? May lakad!?" gigil na sabi ko. Gusto ko siyang sakalin eh pasalamat na lang siya at gutom ako. Wala akong lakas para saktan siya kung hindi baka mag-wrestling kami dito sa loob ng kotse.
Padabog ang pumasok sa kotse niya at saka malakas na sinara ang pinto ng sasakyan niyang bulok.
"Plano mo bang sirain ang kotse ko?"
"Sasakyan lang iyan Rowins. Mayaman ka naman di ba? Bili ka bago kapag nasira iyan." ngising sabi ko pero nasa harapan ang atensyon ko.
"This is Audi r8 for pete's sake, Kassandra! At hindi basta bastang sasakyan 'to!" gigil na sabi niya.
"Eh ano pa pinuputok ng butsi mo!? Nakakainis ka na ha! Kumain na nga lang tayo baka gutom lang iyan. Parang kotse lang nagkakaganyan ka, meron naman ganito si Jared eh mas cool pa tss." inis na sabi ko at inismiran si Rowins.
"Kelan pa nagkaroon ng Audi r8 si Jared? Sa pagkakaalam ko, Jared owns Porsche Boxster not Audi r8." malamig na sabi ni Rowins at saka sinumulang paandarin 'yung sasakyan.
Nagpunta kami sa Japanese Restaurant, agad nag-order si Rowins dahil gutom na gutom na daw siya.
"Eatwell my wife dahil itong kakainin natin hanggang dinner na."
"What?!" nakakunot-noo kong turan.
"Wala tayong kakainin mamaya sa dinner so kumain ka ng madami diyan." sabi niya. Napakibit-balikat na lang ako at inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkain.
![](https://img.wattpad.com/cover/11693941-288-k962921.jpg)
BINABASA MO ANG
My Wife is a GANGSTER QUEEN (Bitchers Series #2) ✔
ActionShe's a gangster, a gangster queen. Kassandra Camille Styte, the deadliest woman in Styte University despite of being a great frenemy of her dear boy bestfriend Jake Zairuz Alfieste na laging umiintindi sa nakakasukang niyang ugali. Marriage is not...