Kassandra's POV.
"Hoy, gigising pa ba natin 'tong mga 'to?"
"Hayaan mo na sila Myka, you know puyat yang mga yan."
"Tama si Caira and by the way papunta na raw yung room service,"
Bakit hanggang sa panaginip dinig na dinig ko ang mga boses nila? Nakakairita ah!
"Let them sleep, nag-report sa akin ang Fox kagabi. Pinasok daw sila ng mga magnanakaw."
"Are you sure na magnanakaw iyon Jin?"
"Di ko alam Phia, under investigation pa yung mga nahuli ng Fox kagabi."
Agad kong minulat ang mata ko dahil sa ingay.
"Oh gising na pala ang mahal na prinsesa." pang-asar na sabi ni Myka.
"Shut up Myka!" inis na utas ko. Umagang-umaga, nandito sila para bwisitin ako. Mga bwisit talaga! Akma akong babangon ng may mabigat na nakapatong sa tiyan ko. Tiningnan ko ito at saka ko na-realize na magkatabi kaming natulog ni Jairel sa sofa tapos nakita pa ng mga kaibigan ko na magkayakap kaming dalawa habang natutulog. Fuck! Fuck! Fuck!
Agad kong tinulak si Jairel at saka ako bumangon, inayos ko ang buhok ko saka hinarap ang mga kaibigan ko.
"What the fuck..." mahinang usal ni Jairel.
"What the hell are you doing here?!" atungal ko sa kanila.
"Wala lang, kinakamusta ka lang. Nabalitaan namin kasi kay Jin na pinasok raw kayo sa bahay niyo and look, ang daming nasirang gamit."
Ding! Dong!
"Siguro yan na yung room service," sabi ni Cindi atsaka dumiretso sa main door.
"Ano ba talaga ang nangyari Camille?" tanong ni Jin at prenteng umupo sa kabilang sofa.
"Di ko alam eh basta pinasok kami dito kung kelan matutulog na kami and things happened." paliwanag ko.
"Yeah, things happened at halata ngang di ka marunong gumamit ng katana." ngising sabi ni Jin.
Asshole! Talagang di makukumpleto ang araw niya na hindi sinisira ang araw ko!
"Tss!" singhal ko.
"By the way, sinosoli ko na yung dagger mo. May bahid pa ng dugo yan tinamad na akong linisin eh." sabi niya sabay hagis ng dagger ko sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin ng muntik na akong masugatan sa dagger ko.
"Here's your katana! Nag-enjoy akong gamitin yan." sabi ko sabay hagis ng katana ni Jin na nasa ibabaw lang ng coffee table. Sinalo naman ni Jin atsaka ngumisi ito.
Sinilip ko si Jairel sa paanan ng sofa. Dahan-dahan bumangon si Jairel mula sa pagkabagsak niya sa tulak ko.
"Fuck, ang sakit ng likod ko. Wtf! Bakit mo ba ako tinulak!?" inis na sabi ni Jairel at saka ginulo ang kanyang buhok.
"Good morning Jairel, mukhang puyat na puyat ka ah?" asar ni Jin.
"What the hell are you doing here Jin? Aga-aga!"
"Aga-aga? Its 11:00 in the morning stupid. Nag-enjoy ba kayo sa fighting scenes niyo kagabi? Nagreport si Lee sa akin, rogues daw ang pumasok sa bahay niyo at sa pagkakaalam niya kaaway ito ng pamilya niyong dalawa." seryosong sabi ni Jin.
"Bakit ba kami ang kinakalaban nila? Bakit hindi na lang ang pamilya namin?"
"Tingin ko, madaling madadali ang pamilya niyo kapag kayo ang tinarget ng rogues." sabi ni Jin, inilapag niya ang envelope na hawak-hawak niya sa ibabaw ng coffee table.
BINABASA MO ANG
My Wife is a GANGSTER QUEEN (Bitchers Series #2) ✔
ActionShe's a gangster, a gangster queen. Kassandra Camille Styte, the deadliest woman in Styte University despite of being a great frenemy of her dear boy bestfriend Jake Zairuz Alfieste na laging umiintindi sa nakakasukang niyang ugali. Marriage is not...