GQ #38

851 30 14
                                    

--

Kassandra's POV.

"The court announces that official na annulled na kayo." sabi ni Dad.

"Then, that's good." nakangiting sabi ko saka binalik ulit ang atensyon ko sa pagbabasa ng libro.

"Okay na sa'yo yon Beb? Damn, ano ba ang tumatakbo sa isip mo?" inis na sabi ni Kuya Krix.

"Krix Calvin!" suway ni Dad.

"b-but Dad!" angal ni Kuya Krix.

"Let her be. Desisyon ng kapatid mo iyon, we have no rights para makailam sa kagustuhan ng kapatid mo." sabi ni Dad. 

Tumayo ako saka nilingon ko silang dalawa. "Magpapahangin lang ako sa garden, pakisabi kay Manang na doon na lang dalhin ang meryenda ko." sabi ko saka nginitian sila at dumiretso sa garden. 

Nasa libro pa din na binabasa ko ang atensyon ko. Hindi ko alam kung ano na ang balita kay Jairel, is he happy? He's now finally free mula sa pagkakasakal naming dalawa sa problema ng pamilya namin.

"Senyorita, ilalapag ko na lang dito ang meryenda mo." Napahinto ako sa pagbabasa at pinagtuunan ko ng pansin ang dalang meryenda ni Manang Rosie sa akin.

"Okay, ipatawag mo na rin si Cai sabihin mo pinapapunta ko siya dito." sabi ko, tumango lang ito saka umalis. Binalik ko ulit ang atensyon ko sa pagbabasa nang maramdaman ko ang presensya ng asungot kong kambal. 

"What?" inis na tanong ni Cai, agad ko naman siya nilingon.

"May itatanong ako." 

"Spill it," nakasimangot na sabi ng kambal ko.

"How's Jin?"

"Di pa rin siya nagigising but her vitals are okay kaya wala nang dapat pang ipag-alala." sabi ni Cai saka hinila ang upuan saka nakadekwatrong umupo sa harap ko. Kumuha ako ng muffin saka kinain ito, Cai even dare to steal muffins on the table agad naman niyang nilantakan nung pipigilan ko siya.

"Jairel is now already at Mexico." balita ni Cai kaya agad naman akong napalingon sa kanya. 

"Kelan pa?" bulalas ko. 

"Ang sabi sa akin ni Tito Ric, nung araw na inabot mo kay Jairel ang annulment papers niyo. Pinirmihan niya agad iyon saka nag-request kay Tito Ric na magbakasyon sa Mexico. Dalawang linggo na rin ang nakakalipas siguro."

Napapikit ako at dinama ang sakit. Ginusto ko 'to di ba? I should face this fucking consequences! Ginulo ko ang buhok ko sa inis. Ang tanga mo Kassandra! Ngayon ka pa talaga nagkaganito?

"May problema ba?" nagtatakang tanong ni Cai habang nasa kamay niya ang muffin. 

"Wala! Pwede ka na umalis at tigilan mo na rin ang pagdukot sa muffins ko, meryenda ko yan kumuha ka ng sarili mo." saka tinulak ko paalis sa garden si Cai. 

Damn, ganyan ba ang gusto mo mangyari Jairel? Fine, tingnan sino uuwing luhaan sa ating dalawa because kapag bumalik ka sa buhay ko hindi kita tatanggapin kahit manigas ka pa, kahit lumuha ka pa ng dugo.

That was me two months ago dahil ang lahat ng mga emosyon na iyon ay pawang kasinungalingan dahil ang totoo ay...

"Kassandra, stop it already! Lasing ka na." Inis na sabi ni Cindi saka inagaw sa kamay ko ang bote ng alak.

"Don't staph meh! Hindi pa ako lashing!" Inis na sabi ko sa kanila sa inagaw ulit kay Cindi ang bote ng alak at agad kong nilagok iyon.

"Kassandra!" Suway nilang lahat sa akin.

My Wife is a GANGSTER QUEEN (Bitchers Series #2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon