GQ #27

1K 26 8
                                    

Kassandra's POV.

"Boss, letter from Queen." Sabi ni Nathan saka inabot sa akin ang letter. Nakaupo ako sa swivel chair ko habang abala ako sa pag-aayos ng mga papeles sa lamesa ko. We're going to play on the UB tonight, ang tagal na rin nung sumalang kami sa UB.

Kinuha ko ang sulat na inabot ni Nathan agad naman itong nagpaalam umalis. Mag-isa lang ako sa headquarters namin dahil ang mga gangmates ko ay naghahanda para sa laban namin mamaya sa UB. Sinuri ko ang envelope, may gold engraved ng initials ni Jin sa pinakagilid ng envelope. This must be really important dahil bihira magpadala ng sulat ni Jin gamit ang personal na envelope niya na nakaengrave ang initials ng pangalan niya.

Kassandra,

Let's meet, important matters.

Jin

Important matters? Dapat tinext na lamang niya ako kung may sasabihin siyang importante di ba? Hindi iyong magpapadala pa ng sulat.

Sinuot ko ang leather jacket ko saka ang aviators ko. I texted Jin kung saan kami magkikita and she replied na sa mismong sa arena ng Hell World.

I still can't forget the face of the new king, the resemblance of Jared and Jin. The moment Jin saw the new king, her face darken at kita sa mga mata niya ang nag-aalab na galit. Si Jared naman parang pinapatay niya sa isipan niya ang bagong hari mukhang wala siyang ideya na pinalitan siya ng isang Jude Leo.

Her one of her deepest darkest secret is she have a twin brothers. She can't believe na ang trono ni Jared inagaw ng isa sa mga kuya niya. She's fucking fuming mad on what happened.

Pagdating ko sa arena, nakayo si Jin sa gitna at nakapamulsa ito. Simple lang ang suot niya, her face is a little bit pale. She never show off her smiles since the issues of her family. Madalang na rin siyang pumunta ng hideout dahil kay Jude Leo. Jin and Jared are powerless, with Jude who seem happy na makita ang paghihirap ng mga nakababata niyang kapatid.

Agad kong pinuntahan si Jin sa gitna ng arena. Tinawag ko siya dahil tila wala siya sa sarili.

"You're here. You didn't tell me," malamig na sabi nito. Staring at her cold hazelnut brown eyes makes me shiver.

"I didn't bother. Ano nga pala ang sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya na nagpakunot agad sa noo nito.

"Sasabihin?" Ngising tanong nito saka nilabas ang isa sa mga paboritong katana niya, ang katana'ng hindi pinapayagang gamitin sa loob ng Hell World. That is the famous deadliest katana of Jin Xian.

"Step down or you will die in my hands." Ngising sabi nito, hawak ang katana na nakaharap sa akin talim ng dulo nito. Napaatras ako dahil sa ginawa niya.

I didn't expect this. What the hell is wrong with her? The last word she says gives a question mark in my head, pamilyar iyong sinabi niya.

"Nababaliw ka na ba, Jin? Why would I step down? I build the Fox almost half of my life tapos pabababain mo ako sa pwesto?"

"Yes, your gang should be disbanded years ago pero hinayaan ko kayong mamayagpag dahil sa kagustuhan mong makuha ang posisyon sa Hell World."

"I won't let you ruin the Fox, Jin! Even if it cost my life! Tutal buhay ko rin naman ang kapalit nang binuo ko yang gang ko at wala kang karapatang buwagin ito kung hindi ako lang!" Galit na asik ko.

Fox is part of my life. Ito ang naging sandalan ko noong mga panahong may sigalot sa pamilya namin. Hell World became my new home and Fox became my new family.

"Why bother protecting your gang, Kassandra Camille? They're all useless, tapos ka nang makinabang sa kanila. You are now at the top, are you not satisfied?" She said, a playful smile showned on her lips. Damn, her famous evil smirk makes me even more burst into my very deep anger.

My Wife is a GANGSTER QUEEN (Bitchers Series #2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon