A.N:
I haven't done any serious editing, so forgive me if there's a lot of grammatical errors, typos, and spelling.
Happy Reading!
———————————————————
Sa Purok Uno, Calle Almendras, sa isang silid na apat na metro ang haba at apat na metro din ang lapad, dalawang double deck, pandalawahang mesa, isang aparador, mga nakasampay na damit-pambahay, uniporme at damit-panlakad.
Dalawang metro kwadrado na banyo kung saan makikita ang mga nagkalat na sachet ng shampoo at dalawang hanger na nakasabit sa likod ng pintuan. Isa't kalahating metrong lapad na kusina, limang pinggan, limang pares ng kutsara't tinidor, limang baso, isang maliit na rice cooker— sa isang maliit na bahay-panuluyan, limang tao ang nagkasya dito.
Sa apat na taon, napagtiyagaan kong mamalagi rito sa pinapaupahan ni Aling Paloma, ang tiyahin ng kaibigan kong si Luna. Sa apat na kwartong kanyang pinapaupahan— dalawa para sa babae, dalawa rin sa lalaki. Sa isang silid, apat na tao ang umuupa rito. 750 pesos ang renta kada-buwan, wala pa roon ang bayad sa kuryente at tubig pero dahil kamag-anak naman ng kaibigan ko ang may-ari, libre na kami sa tubig. Oo, sa tubig lang, dahil malulugi si Aling Paloma kung pati sa kuryente siya ang magbabayad.
Halos buong araw kasing nakasalampak ang charger ng laptop kakagawa ng mga plano sa autoCAD dahil sa sandamakmak na naman na proyekto na kailangang tapusin bago mag - second semester.
Sa bawat sulok ng silid makikita ang mga nakarolyong tracing papers, blueprints at mga nakabalandrang conceptual boards na kakatapos lang gamitin sa deliberation noong nakaraang linggo.
Kaya ngayon, heto ang kaibigan ko, dahil naka-tatlong passing grades mula sa tatlong arkitektong panelists para sa thesis niyang Green Shopping Center, wala na siyang ibang iisipin kundi kung paano niya na naman malulusutan ang second semester.
Apat na taon ang ginugol ko para lang mapanatili ang 1.6 na grado sa Design mula noong first year hanggang ngayon. Hindi naman consistent, noong second year nakakuha ako ng 1.4 dahil nagustuhan ng propesor ko ang interior design para sa Kasanggayahan Hotel na pinagawa niya sa amin. Laging naka-set sa utak ko na dapat hindi bababa sa 1.6 ang marka ko sa class cards, buti nalang at hindi ko pa nadi-disappoint ang sarili ko, at wala sa plano ko 'yon.
I always aimed high dahil nga kailangan ko talagang makapagtapos at maipakita sa tiyahin ko na nagpapa-aral sa akin na worth it ang limang libo na pinapadala niya para sa allowance ko at sa iba pang mga gastusin sa campus.
At dahil isa rin akong city scholar, bukod sa tuition fee, may nakukuha pa akong 5,000 monthly. Syempre ayoko namang abusuhin ang tiyahin ko kaya pinapadala ko sa kanya ang sobra at kung minsan ay tinatanggihan ko na ang pinapadalang pera.
Ahead sa akin ng isang taon si Luna, isang 5th year student at dean's lister. Limang buwan nalang ay ga-graduate na siya kasama si Sally, ang kababata ko, at si Abby, ang girlfriend ni Luna. Limang tao kami sa isang silid— ako ang bunso, at sa kasamaang palad, ako rin ang pambansang 5th wheel.
Sa isang double deck, apat na tao ang humihiga rito. Sa taas magkatabi sina Luna at Abby habang sa baba naman ay sina Sally at ang boyfriend nitong si Paul. Kung tutuusin all girls lang dapat pero dahil nga malakas kami kay Aling Paloma, naging exception si Paul.
Ako naman, naiwan sa isang patong na higaan, ako sa taas at ang mga gamit ko naman sa baba. Wala sa plano ko ang maghanap pa ng isang taong isisiksik sa maliit naming bahay-bahayan. Ayoko nang dumagdag pa ng isa hindi dahil sa masikip na, kundi sadyang ayoko lang talaga, ayoko nang masaktan pa.
YOU ARE READING
The Welsh Maiden
Romance"Everything I want will come to me at the perfect time. She's mine to keep. Only MINE." WARNING: This book explores themes about obsession, death, childhood trauma, depictions of violence, explicit sexual content, and other possible triggers. Reader...