Kabanata 4

26.3K 1K 408
                                    

The Gift Box



Jade is persistent about the idea of taking me home. Sabi ko nga sa kanya na malapit lang naman ang boarding house na tinutuluyan ko sa restaurant na kinainan namin pero ayaw niyang magpaawat kaya pumayag na ako.

"So ikaw pala si Jade, nice to finally meet you, I'm Luna, bestfriend ni Althea." Pormal na pagpapakilala ng kaibigan ko sabay abot ng kamay na agad namang tinanggap ni Jade. Hindi naman talaga siya ganito kapormal kaya hindi ko alam kung anong pakulo nitong baliw kong kaibigan.

"Hi, I'm Sally." Nakangiting bati ng kababata ko. "Bago ka lang ba dito?"

"Yes, pero hindi naman sakin strange yung place because I've been here two years ago." Sagot naman nito sabay upo sa ibabang parte ng double deck.

Since maliit lang ang kwartong inuupahan namin kaya yung higaan ay nagiging sala. Wala namang kutson kaya paminsan-minsan ay nagiging dining area na rin.

"Dito ka rin ba nag-aaral?" Tanong ulit ni Sally at naupo na katabi ng bisita. Si Sally yung mabusisi sa amin at pala-kaibigan kaya I'm sure na magiging mabuting magkaibigan ang dalawa.

"Ah hindi, I just visited the shop in Tagaytay, parang bakasyon na rin." Sagot naman ni Jade sabay tingin sa akin.

Nagtitimpla ako ng juice habang si Luna naman ay nag-iigib ng tubig. Pasado alas dos na kaya ni-patak wala nang tumutulo sa gripo. Sabi ni Luna naglilinis daw ng dam, buti nalang at may poso malapit sa boarding house kaya nakakapag-igib kami.

"Pasensya na medyo makalat." Sabi ko sabay kamot ng kilay.

"It's okay." Ngumiti siya sakin at patuloy na nakikipag-usap sa katabi niya.

Nilapag ko ang tatlong baso sa mesa at paisa-isang sinalinan ng lemon juice. Uminom muna ako just to make sure na hindi masyadong matamis. Sakto lang.

"Magpalamig muna kayo oh, Sally, Jade?" Pagtawag ko ng atensyon. Agad namang tumayo ang dalawa.

Hindi nga ako nagkamali, nakuha na agad ni Sally ang loob ni Jade dahil sa paraan ng pag-uusap nila ay parang matagal na silang magkaibigan.

"Anong pinag-uusapan niyo?" Nakiusyuso na rin ako. Naupo si Jade sa tabi ko habang si Sally naman sa harap namin. Hindi pa nakakabalik si Luna mula sa pag-igib sa kanto kaya kami munang tatlo.

"Wala I just asked Jade about her business. Imagine ka-edad lang natin siya pero may business na?!" Namamanghang sambit ni Sally.

"Actually sa parents ko yun but since wala pa silang balak na umuwi, ako muna ang nag-aasikaso." Si Jade sabay lapit ng baso sa bibig niya at ininom ang juice. Napalunok nalang ako kasi yun ang ginamit kong baso kanina.

Hindi na ako nakapagsalita dahil biglang dumating si Abby.

"Mahal okay na ba yung tubig?" Tanong nito, hindi niya napansin ang presensya ng bisita dahil abala ito sa pagte-text.

"Nag-iigib pa si Luna bes, mag-juice ka muna." At doon lang siya napatingin sa amin.

"Abby, si Jade nga pala, Jade si Abby girlfriend siya nung butch naming kaibigan, si Luna." Sabi ko naman at agad iniabot ni Jade ang kamay niya.

"Na-meet ko na siya remember? Nung unang punta ko dito?"

"Ay oo nga pala." Napakamot ako ng ulo.

Ngumiti naman si Abby, hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin na parang may halong pagkabigla ang ekspresyon niya, o baka naman masyado lang akong mabusisi sa nararamdaman ng iba.

The Welsh MaidenWhere stories live. Discover now