Kabanata 7

22.7K 1.1K 611
                                        

Domino Effect


"Seven sheets lang pala lahat. Sorry Miss, ibabalik ko nalang ang sobrang binayad mo." The woman explained.

"Hindi! Ten pages yan sigurado ako!"

"Miss Guevarra huwag kang sumigaw sa office ko!"

Doon lang ako natauhan sa pagsigaw ng propesor sa akin. Jade and the owner of the printing shop witnessed our loud conversation at hanggang ngayon hindi pa rin siya kumbinsido.

Ang pinagtataka ko ay ang laman ng flash drive na pitong pahina lang ang naka-saved. Sigurado akong sampu iyon.

Kahit nagmumukha na akong desperada ay wala akong pakialam dahil pag-aaral ko ang nakasalalay dito.

"Althea, calm down." Jade comforts me by rubbing my back.

"Hindi Jade, I need to fix this now dahil baka mapagsarhan ako ng admin." Paliwanag ko sa kanya at halata sa mukha ko ang pag-aalala habang minamasahe ang sintido.

"I'm sure may backup ka on your laptop. Let's go home first."

Napahinga ako ng malalim. "Pina-reformat ko ang laptop Jade, last week pa." Mas lalo akong nawalan ng pag-asa sa kaisipang iyon.

"Miss Guevarra my decision is final." Hirit pa ng propesor ko. "Dalawang buwan ang binigay kong palugit sa inyo and I know it's more than enough para magawa niyo ang lahat ng requirements. Hindi na rin ako nagbigay ng final exam basta kompletuhin niyo lang ang pinapagawa ko."

"Sir please, give me another chance." Pagmamakaawa ko sa kanya at nangingilid na ang mga luha ko, any moment ay handa nang bumagsak.

"If I'll give you a chance, dapat yun din ang gagawin ko sa apat na estudyante na binagsak ko and I think unfair yun sa mga passers na on time mag submit."

"Sir baka po pwedeng incomplete nalang huwag lang bagsak, magco-comply nalang po ako." At isang patak ng luha na ang bumagsak sa kanang mata ko.

"I'm so sorry Miss Guevarra. Last Friday ko pa na-submit ang grades niyo. Wala na akong magagawa, just accept that you failed this time Althea, next time siguraduhin mo munang kompleto ang isu-submit mo bago makarating sakin." Isinara na niya ang laptop at inayos ang mga papel na nagkalat sa mesa niya.

Napatakip ako ng bibig habang papalabas ng opisina. Sumunod naman sa akin si Jade at ang kasama niya.

"Althea hey, everything's going to be okay. Pwede ka pa namang makapag-enrol sa ibang subjects eh." Pagpapagaan ng loob ni Jade habang hinahaplos ang likod ko.

Napaupo kami sa bench sa tabi lang ng school canteen habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Alam kong pinagtitinginan na ako ng ibang mga estudyante pero wala akong pakialam.

"I'm such a failure, bakit hindi ko naisip yun? Bakit sobrang kampante ko na makakapasa ako ngayon? Ang tanga ko! Ang tanga-tanga ko!" Yumuyugyog na ang balikat ko habang nakatakip ng mukha.

Naramdaman ko naman ang pagyakap ni Jade sa akin.

"Shhh don't say that. Hindi ka tanga okay? That man is an asshole."

"Pano na ngayon yan? I failed a major subject, so it only means I can't take AR design this sem, mawawalan na rin ako ng scholarship. Oh God!" Mas lalo akong napahagulhol sa iyak dahil bigla kong naisip ang mga tiyahin kong nagpapa-aral sakin. "Ano nalang iisipin nila sakin? Na nagpabaya ako?"

"I'm sure we could come up with a good explanation. Umuwi na muna tayo okay?" Napatanggal ako ng takip sa mukha at napatingin sa katabi ko. Umalis na rin ang kasama niya kaya kaming dalawa nalang ni Jade ang naiwan.

The Welsh MaidenWhere stories live. Discover now