Warning: SPG
Nightmare
"Huh!" Ako'y napasinghap habang patuloy pa rin sa pagdagundong ang dibdib ko. I'm sweating buckets at para akong sinisilaban sa loob ng katawan.
"Hoy dude okay ka lang?" Napatingin ako kay Luna. She's sitting right next to me with a worried look.
At doon lang ako natauhan. It was just a bad dream. Hindi ko alam kung bakit ko yun napanaginipan. But why does it feel so damn real?
"Grabeng pawis mo, okay ka lang ba talaga?" Usal pa niya.
"Uh, o-okay lang ako." I tried to smile kahit sapilitan para lang hindi na siya magtanong pa. "Nasan na ba tayo?"
As of the moment, we are riding a bus on the way to where I was hospitalized. Tanda ko pa kung saan ako sumakay at alam kong malapit lang doon ang hospital.
"Legazpi pa lang tayo huwag kang atat." Sagot niya habang nagpipindot sa cellphone. "Ba't ba kasi ako ang sinama mo? Ba't hindi si Megan?"
I've tried to just shrugged what I had dreamed of at pinagtuonan nalang ng pansin ang yamot kong kaibigan. "Sino ba ang kaibigan ko ha?"
"Bakit kaibigan mo rin siya diba?" Napatingin si Luna sakin.
"Hindi nga ako kinakausap." Pag-amin ko. Simula kasi nung diskusyon namin tungkol kay Jade ay hindi na nagparamdam si Megan. Hindi rin siya sumasagot sa mga texts at tawag ako.
"LQ kayo?"
"Ha? Anong pinagsasasabi mo?"
"Hay naku tsong hindi ba obvious?"
"Obvious ang alin?" Patay-malisya kong tanong.
"Na may gusto sayo si Megan. Minsan kasi matuto ring makiramdam." Sabay irap sa akin.
"Alam mo parehas kayo ni Kathleen, sarap niyong pag-untugin" Angil ko. Nai-kuwento ko rin kasi sa kanya ang pagkikita namin. I told her that she's also pregnant like Abby at ang komento lang niya ay baka same birth month ang mga bata dahil halos parehas ang ka-buwanan nila.
Narinig ko nalang ang pagtawa niya sabay kurot sa braso ko. "Ito naman napaka-seryoso! Puro ka kasi Jade eh, mahal mo pa noh?"
Napatingin nalang ako sa tanawin sa labas sabay tupi ng mga braso sa bandang dibdib.
"Hay naku dude hindi mo ako maloloko. Okay lang naman na aminin mo eh, I won't judge you."
"Tumahimik ka na pwede?" May himig - pagbabanta sa boses ko.
"Fiiine..." Ngumisi ito ng nakakaloko sabay muwestra ng kamay sa bibig bago isinuot muli ang headphones niya.
Napahinga ako ng malalim habang nakatanaw sa labas. There was a sudden flash of images inside my head. What a nightmare. Nakakatindig-balahibo ang napanaginipan ko at parang totoo. Kitang-kita ko ang imahe ni Jade.
At ang bata. Hindi ko man maaninag ang mukha niya pero kitang-kita ko ang mga dugong bumabalot sa kanya. Who is she?
Iyon ay isa sa mga tanong na dumadagdag lang sa bigat ng pasanin ko. Isa ba 'yong babala?
"Saan ba dito tsong?" Tanong ni Luna nang makarating kami sa mismong lugar kung saan nangyari ang trahedya.
Patuloy lang kami sa paglalakad sa daang sigurado akong nabaybay ko na dala nang determinasyon ko noon na makatakas kay Jade.
YOU ARE READING
The Welsh Maiden
Romance"Everything I want will come to me at the perfect time. She's mine to keep. Only MINE." WARNING: This book explores themes about obsession, death, childhood trauma, depictions of violence, explicit sexual content, and other possible triggers. Reader...