Half Blood
Gabi na nang makauwi kami ni Jade. Sa tingin ko ay hindi na kami makaka-kain ng hapunan dahil sa naubos namin ang mga baong pagkain. Naka-ilang hikab na rin si Jade habang nakasakay kami sa tricycle kaya't alam kong pagod na siya.
Sakto naman ang pagdating namin sa bahay dahil may pamilyar na kotse na nakaparada sa harap.
Nang makapasok na sa loob ay hindi nga ako nagkamali.
"Mom!" Niyakap ni Jade ang ina.
"Jade, baby" She's looking at Jade from head to toe na parang sinusuri kung maayos ba ang lagay nito. "How are you? Okay ka lang ba dito anak?"
"Yes mom I'm fine" Napasulyap si Jade sa'kin. "We just went to the park." Habang nakangiti.
Ang ina naman niya ay mariin akong tinititigan. "I'm expecting you both the other day, may schedule si Jade sa ospital pero hindi kayo pumunta."
Well there's no point in lying. "Kasi ho ma'am sa iba ko po pinatingin si Jade. Pero huwag po kayong mag-alala kasi maayos naman po ang naging resulta."
Hindi na ito sumagot at ibinaling nalang ang atensyon sa anak. "You should take a rest now" At napalingon muli sa'kin. "Samahan mo na siya Althea."
Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi niya ako sinungitan. Kahit papaano, gusto ko rin namang mapalapit ang loob niya sa'kin. It's a big deal for me especially now that I'm with her daughter.
"Love" Pagtawag ni Jade nang makapasok na kami sa kwarto. "Prepare me a warm bath please?"
Nag-umpisa na siyang maghubad sabay kuha ng tuwalya na nakasampay sa likod ng pintuan.
I just gave her a nod and then proceeds to the bathroom. Abala pa sa pakikipag-usap ang nanay ni Jade sa tiyahin ko. I know it's all about their patients' cases na naka-admit sa ospital nila. Kung hindi sana arkitektura ang kinuha kong kurso ay paniguradong nursing din ang bagsak ko. Iyon din sana kasi ang gusto ni tita para sa'kin pero sabi ko sa kanya na takot ako sa dugo. Minsan nga kapag hanggang gabi ang shift niya ay mas pinipili ko nalang mapag-isa sa bahay nung sampung taong gulang palang ako. Nag-abroad na rin noon ang isa ko pang tiyahin kaya kaming dalawa nalang ang naiwan.
Habang hinihintay ang pagkulo ng tubig pang-ligo ni Jade, narinig kong tumunog ang telepono ni tita pero mukhang hindi niya ito napansin dahil sa kausap.
Ayoko naman silang gambalain kaya ako na ang sumagot.
"Hello?"
"Hello Tere?" Sagot sa kabilang linya. Pamilyar sa akin ang boses at alam kong nanay iyon ni Sally. Sasagot na sana ako para sabihing may kausap pa si tita pero muli itong nagsalita.
"Nakausap ko na pala ang nanay ng bata. Pumayag na siyang makipagkita sayo bukas. Dumaan din dito yung anak, isinama ni Sally at talaga ngang may pagkakahawig kay Althea"
Napa-kunot noo ako sa sinabi nito. Bigla akong kinutuban.
"H-Hawig ko ho?" Hindi ko na mapigilan ang pagtataka.
"A-Althea?"
Nakita ko naman na paparating si tita kaya agad kong ibinaba ang telepono.
"Anak kumukulo na yung tubig" Sabay turo sa takure.
Doon lang ako nakabalik sa tamang wisyo.
Gusto ko siyang tanungin pero hindi ko alam kung paano sisimulan.
Makakapaghintay naman siguro 'yon at kapag nakahanap na ako ng tyempo ay kakausapin ko siya.
Isinalin ko na muna ang mainit na tubig pampaligo ni Jade. Katamtamang temperatura lang para hindi siya ginawin. Sakto namang pumasok siya sa banyo at tinanggal ang tuwalyang saplot sa katawan.
![](https://img.wattpad.com/cover/85953241-288-k434937.jpg)
YOU ARE READING
The Welsh Maiden
Romansa"Everything I want will come to me at the perfect time. She's mine to keep. Only MINE." WARNING: This book explores themes about obsession, death, childhood trauma, depictions of violence, explicit sexual content, and other possible triggers. Reader...