Deep Sleep
Imposible, 'yan ang unang tumatak sa isip ko. Rafael is probably as crazy as Jade. Gusto kong matawa sa sinabi niya.
What the hell right? Paano ko mabubuntis si Jade?
Kung mabubuntis man siya malamang wala na akong kinalaman doon. Some guy already took her, one unlucky guy. I pity him. And if ever Rafael tells the truth, I will be glad about it. Well, who isn't? For sure no one's bothering me anymore.
Napahinga ako ng malalim nang makaupo na ang dalawa.
"What are you guys talking about?" Napatanong si Kathleen at pasalit-salit ang tingin niya sa amin ni Rafael.
"Wala naman, just some random stuff, right Althea?" He's looking intently at me.
"Right." And for the first time since we came here, ngayon lang kami nagkasundo.
We decided to keep our mouth shut.
"As much as I would like to spend the whole day with you guys, unfortunately the baby is keeping my energy down for a bit." Napahaplos ito sa tiyan niya.
"Hon are you tired?" Nag-aalalang tugon naman ni Rafael.
Kathleen slightly nodded.
"Ano ka ba Kathleen, of course we understand." Napatayo ako. "Sige na, kung uuwi na kayo it's okay."
Inalalayan naman ni Rafael ang kaibigan ko. She's really having a hard time since her baby bump is a bit huge. Sabay-sabay na kaming naglakad papalabas.
"Pauwi na rin kayo?" Tanong ni Raf nang makapasok na ang kasintahan sa loob ng sasakyan.
"Yes, baka kasi hanapin na ni tita si Althea." Si Megan na ang sumagot.
"Althea saglit lang." Pagpigil niya nang akmang sasakay na ako. "Megan pwede bang kausapin ko muna siya?"
"Sure..." Megan nodded at him before getting inside her car.
"What is it Rafael?" Tanong ko nang makalapit sa kanya.
Medyo dumistansya kami sa magkasunod na sasakyan para hindi marinig ng dalawa ang pag-uusap namin.
"I'm not joking" He started.
Nung una ay napakunot noo ako dahil hindi ko siya maintindihan hanggang sa bigla kong maalala ang sinabi niya kanina.
"Of course you are!"
"Hindi Althea, totoong buntis si Jade." Paninindigan niya.
"I don't care if she's pregnant or not, ang nakakatawa lang sa sinabi mo ay yung pagtukoy mo sakin na ako ang nakabuntis. Seriously Rafael are you sick?" Napatawa ako ng mahina.
"Yes you should care, dugo't laman mo ang nasa loob niya!" He's not really backing down.
"May sayad ka na nga talaga." Napailing ako. Tinalikuran ko siya at akma nang maglalakad paalis nang bigla niya akong hawakan sa braso.
"Kung ayaw mong maniwala bahala ka, basta ako sinabihan na kita." Seryosong sambit nito. "Jade is pregnant with your child. Why don't you go back to the hospital you'd been to after the accident? Baka sakaling malaman mo ang totoong nangyari." He released my arm and starts walking away.
Habang ako nanatiling tuod. Ano bang pinagsasabi niya?
"Althea?" I was snapped out of my mental imagery when Megan called me. The thoughts are still inside my head habang binabaybay na namin ang daan pauwi.

YOU ARE READING
The Welsh Maiden
Romance"Everything I want will come to me at the perfect time. She's mine to keep. Only MINE." WARNING: This book explores themes about obsession, death, childhood trauma, depictions of violence, explicit sexual content, and other possible triggers. Reader...