Kabanata 11

23.3K 907 769
                                    

The Truth


Time check, four o'clock in the morning. 

Nagising ako ng alas kwatro dahil sa sobrang lamig ng temperatura. Buti nalang at may comforter si Jade sa kotse niya kaya iyon ang ginamit namin bilang sapin sa sahig. I checked my phone at nasa 20 degrees celsius ngayon sa Tagaytay. Bearable naman sana ang lamig kung nakasuot kami ng damit-pantulog. 

Wala namang nangyari sa'min kagabi dala na rin ng sobrang pagod. But Jade keep on insisting na matulog kami just with our underwears on kaya heto kami ngayon, exposed ang kabuuan sa ilalim ng puting kumot. Sa aming dalawa, mas sanay siya sa ganitong klima dahil laking-Europa kaya ganun nalang ang himbing ng tulog ni Jade. Habang ako, kahit na ramdam ko ang init ng katawan niyang nakayakap sakin, hindi pa rin iyon sapat panlaban sa lamig.

So I decided to gently removed her hands wrapped around me and get up from our temporary bed. Buti nalang at hindi siya naalimpungatan. Hinalikan ko muna siya sa noo bago isuot ang mga damit. Pagkatapos ay agad akong tumungo sa kusina at nag-init ng tubig. We made the right decision to buy goods yesterday para kinabukasan ay hindi na kami mamroblema sa mga kakainin.

After making my morning coffee, naisipan kong umupo muna sa sahig malapit kay Jade. Nakaka-isang higop palang ako nang may narinig akong mga yapak sa may garahe. I could also hear someone's voice na parang may kausap sa telepono.

Agad akong na-alerto.

Unfortunately, wala ni-isang bintana si Jade sa may living room so I have no choice but to slightly open the main door. Sakto lang para makadungaw ako kung sino ang nasa labas.

I didn't see anyone. But when I looked down, that's when I saw a purple shoe box with a note on top. Nag-dadalawang isip ako na kunin ang kahon. Maybe it's a bomb or something nocent na maaaring ikamatay ko.

I was about to go back inside and wake Jade up nang madatnan ng mga mata ko ang lalakeng nakatayo sa mismong gitna ng kalsada. Nakasuot ito ng hooded jacket kaya hindi ko maaninag ang mukha niya. Medyo madilim din ang paligid dahil alas kwatro y medya palang ng umaga. Alam kong lalake dahil sa tindig niya.

Why is he standing at the middle of the road? Magpapakamatay ba siya?

Curiosity got into me. Habang naka-paa, naglakad ako ng bahagya hanggang sa makababa ako sa dalawang baytang na hagdanan. My right hand is in a salute position para makita ko siya ng maigi.

"Sir bakit po kayo nandyan?" I'm a little bit scared but still I keep on going.

"Do you like what's inside the box?" Tama nga ako, tinig ng isang lalake na nakatayo pa rin sa kalsada.

"Sino ka?" So he was the one who gave that mystery box.

Pero imbes na sagutin ako ay agad itong tumakbo papunta sa kanang direksyon.

"Hoy sino ka?!" I wasn't wearing anything to protect my feet with this rough and cold road nang hinabol ko siya. This is an early run for me. Foggy pa ang paligid at ramdam ko na rin ang sobrang lamig. Nakasuot lang ako ng cotton shirt at boxer shorts habang tumatakbo at pilit na hinahabol ang lalake.

"Hoy!" Sigaw ko habang patuloy pa rin kaming naghahabulan. Malayo-layo na rin ang narating namin at sumasakit na ang mga paa ko.

Medyo steep na rin ang daan dahil malapit na kami sa People's Park kaya napahinto na ako.

My hands are resting on both of my knees habang naghahabol ng hininga. Napansin ko rin na huminto siya kaya alam kong may balak talaga itong masama sakin.

The Welsh MaidenWhere stories live. Discover now