Kabanata 27

23.2K 878 284
                                    

Responsibility


Misis Henares is true to her word. Alas sais palang ng umaga ay naririto na ulit sila para sunduin ang anak. Kagabi habang binabantayan ko siya ay hindi ko namalayan na nakatulog na rin ako. Tita woke me up when they arrived. Naghanda muna siya ng almusal at nakipag-usap sa mag-asawa habang ako ay pilit na ginigising sa mahimbing at mayapang pagtulog si Jade.

"Nandito na sila" Dagdag ko nang magmulat ang mga mata niya. Kung ano ang posisyon namin kagabi ay ganun pa rin hanggang sa paggising. Medyo nangalay ang braso ko dala ng pagkakasandal ng ulo nito.

Imbes na sumagot ay mas lalong humigpit ang yakap niya sa'kin. Ang kaunting hibla ng buhok niya ay nasa bibig ko na. I could also feel her warm breath matching with mine.

"Jade they're waiting for us."

She meets my gaze and there goes her brown eyes again, pleading. "You really want me to go?"

I couldn't answer.

Kagabi pa ako binabagabag ng isang simpleng tanong ng ina niya – "Tell me what's your plan Althea."

"Althea... love" She cupped my face and slightly forced me to look into her. "Is this what you really want? For me... for us to go?"

Now she's using "Us" which makes it even harder for me. Kailangan ko ring isipin ang batang dinadala niya.

Lalo pa ngayon na masama ang lagay ni Jade. She's weak and too sensitive. Kahit pa sabihin na hindi ko gusto ang biglaang pagbubuntis niya ay kailangan ko pa ring akuin ang nakaatang na responsibilidad. Hindi matitiim ng konsensya ko kung sakaling may mangyaring masama sa kanya at sa bata.

Napaupo ako sa higaan at hinilamos ang kamay sa mukha.

I have to do this.

Kailangan kong maging responsableng nilalang simula ngayon. Sa edad na bente-uno at ni-walang kaalam-alam sa kung ano ang dapat gawin sa ganitong sitwasyon, hindi rason ang kamangmangan at pagiging bata para hindi gampanan ang naka-agapay na pasanin sa pagkakaroon ng puslit.

This is a huge responsibility I know. At wala sa kaisipan ko ang maging dalagang ina, kahit kay Jade, I thought she likes to keep her slim figure. Kaya hindi pumasok sa isip ko na gusto niya palang magdalang-tao. Maling-mali ako.

Wala nang puwang ang pag-atras sa sitwasyon. Ang kailangan lang talaga ay buong-pusong tanggapin ang lahat.

Nang hindi pa rin ako makapagsalita ay naramdaman kong gumalaw ang kama. Napaupo si Jade sa tabi ko habang nakatingin pa rin sa akin.

"Tara na, pag-usapan nalang natin 'to kasama sila." I finally said.

+++

Sa isang maliit na mesang parisukat, magkakasama kaming lima na kumain ng inihandang almusal. Nagluto si tita ng pansit gisado at bumili rin ng mainit na pandesal.

Katabi ko si Jade at sa harap namin nakaupo ang magulang niya. At dahil hindi kami mag-kasya ay naisipan ni tita na pumwesto sa sala, magkalapit lang naman ito sa kusina kaya naririnig pa rin niya ang usapan namin.

"... and then by next week you'll be back again for the ultrasound. Yung kaibigan kong doktor galing sa Canada ang magsusuri sayo anak. Uuwi siya rito para matignan ka." Huling pahayag ni Misis Henares sabay inom ng mainit na kape.

Siguro ito na ang tamang oras para mailahad ko ang binabalak para kay Jade at sa sanggol.

"Ako na po ang sasama sa kanya." Sinigurado kong wala nang tirang pagkain sa plato para maumpisahan na ang mahaba-habang usapan.

The Welsh MaidenWhere stories live. Discover now