Kabanata 26

23.5K 905 384
                                        

Subconscious Self


"Jade?"

She looks different. Medyo mahaba na ang buhok nito, mas lalong pumuti at medyo maputla ang mga labi na tila hindi na-a-arawan, nakita kong muli ang mala-tsokolate at misteryoso nitong mga mata, at isa rin sa napansin ko ay medyo namayat ang pangagatawan niya.

But mostly, hindi maikakaila ang umbok ng tiyan nito.

"Love" Nahihirapan siyang tumayo kaya naman agad na inalalayan ng ama't ina.

"Althea" Pinandilatan ako ni tita at alam ko na ang nais niyang iparating. Kaya bago pa man makagawa ng hakbang si Jade papunta sa akin ay inunahan ko na ito.

Even if I still feel this slight flinched, iwinaksi ko muna iyon at inisip nalang ang pagod at puyat ko sa loob ng isang buwang paghahanap sa kanya. This is what I've been waiting for at wala nang lugar ang pagdadalawang-isip kaya kailangan ko itong panindigan.

Jade hugged me tightly na tila wala na akong kawala. Ramdam ko yun.

Damang-dama ko.

"I miss you" She tilted her head hanggang sa maramdaman ko ang hininga niya sa'king leeg. Nakapulupot din ang mga braso niya dito.

At dahil tatlong pares ng mga mata ang nakapaligid sa amin, lalo na ang pamatay na tingin ng ina niya, napahawak ako sa bewang ni Jade at niyapos ito ng may pag-iingat.

"Na-miss din kita" I find myself gnawing inside of my cheek, dala nang emosyong hindi ko maintindihan kung totoo ba iyon o hindi.

Nang pinakawalan namin ang pagkakayapos sa isa't isa, Jade instantly locked her brown orbs into mine. Mangiyak-ngiyak na tinapunan ako ng maamong ngiti na tila nagsasabing matagal siyang nangulila kahit alam ko ang katotohanan na hanggang ngayon ay pinapasundan pa rin niya ako sa kanyang tau-tauhan.

Hindi ako naka-imik. Sa halip ay ibinalik ko rin sa kanya ang iginawad na ngiti.

Sa ginawa kong iyon ay parang isina-walang-bahala ko na rin ang mga nangyari noon. Isang patunay na pabor din ako sa pagbubuntis niya. Kahit sa loob-loob ko ay salungat ang ipinapahiwatig.

"Anak" Pagtawag ni tita. "Kailangan nating pag-usapan 'to." Seryosong tugon niya.

Napahawak si Jade ng mahigpit sa braso ko nang akma na siyang babalik sa kina-u-upuan. Hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang ininiinda niyang sakit sa tuwing iginagalaw ang sarili.



Parang isang propesyonal at seryosong pagpupulong ang dinayuhan ko. Jade's parents are just sitting in front of us while I chose to stay between tita and Jade. Minu-minuto ay mas lalong dumadagdag ang pasaning kaba sa dibdib ko.

Lutang pa rin ako hanggang ngayon simula nung makita ko si Jade. Hindi lubos ma-proseso ng utak ko ang kasalukuyang nangyayari. Kung alam ko lang na ito ang sasalubong sakin pag-uwi ay hindi na muna sana ako nag-atubiling bumalik.

"Now tell me what's your plan Althea. At siguraduhin mong matutuwa kami sa kung anuman ang binabalak mo" May himig-pagbabantang sambit ni Misis Henares.

Hindi pa man din ako nakakapagsalita ay may panghuhusga na agad sa mga titig nito.

"Mom, enough please." Ani Jade na parang naiirita na sa asal ng ina.

"Hindi Miss Jade. Kahit ako ay nais ko ring malaman ang plano ng anak ko" Segunda ni tita habang mariing nakatingin sa akin. I know I owe her an explanation about all this kaya hindi ko masisisi kung ganun nalang ang reaksyon niya.

Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong-hininga. "H-Hindi ko naman ho tatakbuhan ang responsibilidad ko."

"Dapat lang naman anak, hindi kita pinalaki na maging pabaya at inutil at lalong lalo na hindi kita pinalaki na maging sinungaling" Mahinahon ngunit ramdam ko ang diin ng bawat pagbigkas niya.

The Welsh MaidenWhere stories live. Discover now