Kabanata 34

23.2K 933 217
                                    

Always


"Althea? Love?" Pang-apat na beses na itong panggigising sa'kin ni Jade ngayong umaga. Dala na rin siguro ng pagod at walang tulog nitong mga nakaraang araw kaya bumabawi ang katawan ko sa pagpapahinga.

"Love, mom and dad are expecting us at twelve, it's already eleven and we should be on the road by now."

Napabalikwas ako sa higaan dahil sa sinabi niya. It's Friday and it was our plan that we'll meet up with her parents para sabihin sa kanila ng pormal ang tungkol sa kasal.

Pamamanhikan kumbaga.

Nang makalabas ako ng kwarto ay naabutan ko pa si tita na naghahanda ng mga dadalhing pagkain. Siya mismo ang nagsabi sa'kin na kailangang sundin pa rin ang tradisyonal na pamamaraan.

"Sorry ho napasarap ang tulog ko, ako na ho niyan tita" Pagtukoy ko sa niluluto niyang pancit-bihon na paborito ng ama ni Jade.

"Anak sige na kaya ko na 'to. Ang mabuti pa maligo ka na at magbihis para makaalis tayo agad."

"Sigurado ho kayo?"

"Oo anak, patapos na rin naman ito."

Napatingin ako sa mga nakahandang pagkain - mayroong kaldereta, sinigang, adobo, pritong manok, lumpiang shanghai at sampung liyanera nang leche flan.

She did this all for me?

Muntik na akong mapaluha kaya bago pa man ito tumulo ay niyakap ko na siya mula sa likuran.

"Tita salamat sa lahat."

Tinapik niya ako sa braso. "Para sa kaligayahan mo anak." Sabi niya. "At hindi lang naman ako ang naghanda ng lahat ng ito."

Bago pa man ako magtanong kung sino ay narinig ko na ang pamilyar na boses na paparating.

"Hoy baby damulag buti't gising ka na" Si Luna. "Tita tama ho ba 'tong mga nabili ko?" Sabay abot ng isang paper bag na puno ng mga sangkap na gulay.

Wala akong nasabi. Napatingin lang ako sa kanya.

"Dude maligo ka na, amoy laway ka pa eh yuck!" Biro nito at narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni tita.

Pinalo ko siya sa braso. "Sira! Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka!" I tried to fake my anger pero mukhang hindi siya kumbinsido.

"Huwag ka nang dumakdak dyan maligo ka na at kami nang bahala ni tita dito" Tinulak pa ako. "Sige ka ikaw din, pag na-late tayo baka mag-backout si Jade at hindi payagan."

Hinampas ko muna siya sa braso. "Pero seryoso, salamat sa pagpunta, maaasahan ka talaga."

"Naman!" Sabay pisil sa ilong ko.

Ganyan kami magpasalamat sa isa't isa, cariño-brutal.

+++

Mga ilang araw na rin ang nakalipas mula nung bisitahin namin si Megan sa ospital at masasabi kong nakahinga ako ng maluwag dahil naging maayos ang pagkikita namin.

Patungkol naman sa kapatid kong si Hailey, madalas kaming nagpapalitan ng text messages at paminsan-minsan ring napapatawag ito sa'kin pagkatapos ng klase. Pinayagan siya ni tita Cel na makitulog sa bahay ngayong darating na Sabado't Linggo kaya pagkatapos ng pagbisita sa mansyon ng mga Henares ay magiging abala ulit kami para sa unang pagbisita ng kapatid ko sa bahay.

Bukod dito, naging abala na rin kami ni Jade para sa mga kakailanganin bago siya manganak. Kahapon lang ay nakuha ko na ang sahod sa pinagawang plano ni architect Bañares at ang kalahati nun ay ginamit naming panggastos para sa mga ihahandang pagkain ngayon. Ang natira ay itinabi ko muna para sa nalalapit na pagpapa-checkup ni Jade at pambili ng gamit ng bata.

The Welsh MaidenWhere stories live. Discover now