The Escape
"Ashley? Uh... Candice? What if it's a boy? How about Charles? Or Andrei? That's cute." Habang nakasandal sa headboard ng kama ay paisa-isang nagbibigay si Jade ng posibleng pangalan ng magiging anak niya.
I'm currently at the bathroom and I could still hear her voice echoing inside. Nagpunas na ako ng mukha and decided to go out.
"Love diba katatapos lang naman ng mens mo two weeks ago pa? So clearly pwede na nating gawin yung procedure." Jade is hopeful and really persistent about the idea of us having a child.
Tikom pa rin ang bibig ko sa kagustuhan niya. Now that her parents are here mas lalong lumakas ang loob ni Jade na maisagawa ang kanyang pina-plano.
"Love? You okay?"
Obviously not Jade. Lalo pa nung nalaman ko na halos ikaw na ang bumuhay sa akin, sa mga isinasahod ng tiyahin ko pakiramdam ko na halos lahat ng yun ay galing mismo sayo. Lalo mong pinapaliit ang mundo ko.
"Labas lang ako" Ayokong makipag-usap sa kanya at baka may masabi akong hindi maganda.
"Wait I'll go with you."
"Hindi na Jade, kukuha lang naman ako ng isang basong tubig." At dire-diretso na akong lumabas ng kwarto.
While going downstairs ay napansin kong bukas na ang ilaw sa kusina. I saw Jade's mom as soon as I step forward.
"Oh hija ba't gising ka pa?" Sabay sara ng fridge habang hawak-hawak ang kinuhang fresh milk.
"Nauuhaw po ako eh," I smiled at her, inabutan naman niya ako ng baso.
"Tulog na ba si Jade?" Habang nagsasalin ng gatas.
"Gising pa po." Ako naman ay abala na sa pagtungga ng tubig.
"Nag-usap na ba kayo tungkol sa plano niya?"
Inilapag ko muna ang hawak sa lababo. "Hindi pa ho, sa tingin ko po kasi mukhang hindi po yun mangyayari."
"Bakit naman?"
"Ayoko pong... Hindi pa po kami handa." Iyon nalang ang naisagot ko.
"That's why we're here to guide you." Kalmadong tugon nito. "And I'll make sure that Jade's pregnancy will be safe."
Doon ko naalala na isa palang Obstetrician ang ina ni Jade.
Mukha namang pati ang ina niya ay desidido na rin kaya't hindi ko na pinahaba ang pag-uusap namin pa-tungkol doon.
"Uh, ma'am, pwede po bang magtanong?"
"I hope it's not about Jade's past again hija." May himig-pagbabanta niya.
"Ay hindi ho, uh, gusto ko lang po sana malaman kung... kung saan pong lugar nakatayo 'tong bahay niyo?" This is my chance.
"Malapit tayo sa Subic sa Matnog." Direktang sagot ni Misis Henares at bigla akong nabunutan ng tinik. I know the place is miles away from my home pero atleast alam ko na kung nasaan kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/85953241-288-k434937.jpg)
YOU ARE READING
The Welsh Maiden
Romance"Everything I want will come to me at the perfect time. She's mine to keep. Only MINE." WARNING: This book explores themes about obsession, death, childhood trauma, depictions of violence, explicit sexual content, and other possible triggers. Reader...