Going Back
Megan insisted on taking me home nang marating namin ang terminal sa Cubao. Mayroon siyang sundo at pinipilit niya akong ihatid sa bahay ng tiyahin ko. Siyempre hindi na ako pumayag kasi sobra-sobra na ang naitulong niya sakin. Pero mapilit talaga si Megan kaya wala na akong magawa. At isa pa, wala rin akong pera na pamasahe pauwi sa amin.
Habang tinuturo ko sa driver niya ang daan, napansin kong nakatulog na siya katabi ko. She is really beautiful, mahahaba ang pilik-mata, maputi, matangos ang ilong at halos kasing-taas ko rin. Kung hindi lang niya sa akin sinabi na isa siyang kolehiyala ay iisipin kong isa siyang beauty queen na napadpad lang sa probinsya upang magbakasyon.
"Manong sa kanto nalang ho, salamat." Inayos ko na ang sarili ko nang madatnan ko ang daan papasok sa tahanan namin. Right on cue, agad namang nagising ang katabi ko.
"We're here?" Her voice is a bit raspy.
Tumango naman ako bilang sagot. "Megan, alam kong naririndi ka na sa kaka-thank you ko pero sasabihin ko ulit, sobrang salamat talaga sa lahat-lahat."
"Althea you're very much welcome. Salamat din because I really enjoyed being with you." Ngumiti siya bago ako niyakap.
"Sana magkita tayo ulit para naman makabawi ako sayo." Sambit ko nang kumalas kami sa pagkakayakap.
"Hindi mo naman kailangang bumawi pero, oo, sana nga magkita ulit tayo."
Nang magbukas ang pinto ng sasakyan ay agad akong bumaba at nagpaalam muli sa bago kong kaibigan.
"Althea!"
"Tita!"
Inilapag ko sa sala ang dala kong bag at niyakap ng sobrang higpit ang tiyahin ko. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak dahil sa sobrang saya.
Sa wakas, I'm finally home.
"Anak anong nangyari sayo?" Nang bumitiw siya sa yakap ay napako naman ang tingin niya sa mga sugat at benda ko sa ulo.
"Tita..." Niyakap ko siya ulit at doon na ako napa-hagulhol ng iyak. "Hindi na po ako aalis, promise. Hinding-hindi na po ako aalis."
"Dyuskong bata ka ano bang pinagsasasabi mo?" Pinunasan niya ang mga luha ko. "Anak, ba't ka nagkaka-ganyan ha?" Nakita ko sa mga mata niya ang lubos na pag-aalala.
Hindi ako nakasagot. Gusto kong sabihin ang lahat pero kusang umuurong ang dila ko. Gusto kong magsumbong pero bakit ganito? I was a mess!
"Ang mabuti pa anak, magpahinga ka na muna. Kumain ka na ba?"
Napa-iling ako.
"Tama na ang iyak..." Pinunasan niyang muli ang mga namumuong luha sa mata ko. "Kumain ka na muna tsaka mo na lang i-kuwento sa akin."
Inalalayan niya ako papuntang kusina. Napaupo ako sa silya habang abala naman siya sa pagsandok ng kanin at ulam sa pinggan ko. Kung hindi ako nagkakamali ay magta-tanghalian na kaya sakto lang ang pagdating ko sa bahay.
Sobrang nangulila ako sa kalinga at pag-aalaga ng tiyahin ko. Siya na ang tumayong magulang ko simula nung namatay sila nanay at tatay. Pakiramdam ko ay nasa ligtas na ako na lugar, yung pakiramdam na mapayapa na ang lahat at isang panibagong buhay ang naka-abang sa akin na kailangang salubungin pagkatapos ng mga nangyari.
"Anak ba't parang hindi ka nakakain ng isang linggo?" Pagpuna ng tiyahin ko nang makita ang sunod-sunod kong pagsubo.
Nilunok ko muna ang pagkain bago magsalita. "Sorry po tita, na-miss ko lang po ang luto niyo, lalo na ang sinigang." Kung kanina ay emosyonal ako pag dating, ngayon ay medyo nahimasmasan ang lungkot ko.
YOU ARE READING
The Welsh Maiden
Romance"Everything I want will come to me at the perfect time. She's mine to keep. Only MINE." WARNING: This book explores themes about obsession, death, childhood trauma, depictions of violence, explicit sexual content, and other possible triggers. Reader...