Nice Meeting You
"Buti nakahabol ka Miss Guevarra."
Naghahabol ako ng hininga nang makapasok sa faculty room.
"Thank you sir." Hinahapo habang inaabot sa kanya ang nakarolyong mga plano.
"Don't thank me yet. Hindi ako tumatanggap ng incomplete works."
"Sir kompleto po yan, may architectural and structural plans pati ang connection details. Kahit po wala sa requirements ang interior perspective nilagyan ko pa po." Sabi ko sabay hinga ng malalim. Halos basa na ang likod ko dahil sa pawis at ramdam ko na ang lamig dala ng aircon.
"Ok good. Write your name here at pwede ka nang umuwi." Nakangiting sagot nito sabay abot sa akin ng attendance sheet. Ibig sabihin nito ay makakatungtong na ako ng second semester. Worth it ang pagpupuyat kaya katulad ni Luna, makakahinga na rin ako ng maluwag.
Habang papalabas ng campus, napansin ko na hindi pa rin umaalis ang babae. Nakasandal ito sa itim na kotse at ang mga estudyante, lalo na ang mga kalalakihan, ay napapatingin sa kanya.
"Hey Miss Althea Charmaine G. Guevarra." Itinaas nito ang suot na shades at ipinatong sa ulo.
"Althea nalang." Nahihiyang sabi ko. "Miss, Salamat talaga ha? I mean, thank you for saving me today."
"You're welcome." Sabay ngiti.
"Pero pwede bang magtanong?"
Napatingin lang siya sa akin.
"Ay oo nga pala sorry, hindi ka pala marunong magtagalog, what I said was, may I ask a question?"
"Sure, what is it?"
"Where did you find my ID?"
"You left it at the shop."
Napaisip ako sa sagot niya. Wala naman akong matandaan na hinubad ko ang ID kanina.
"You want to make it up to me? For saving your day?" Nagulat ako sa alok niya. Pero siya ang tagapagligtas ko ngayong araw kaya sino ba ako para tumanggi?
"Y-Yes, yes of course."
"Great, hop in!" Sabay turo sa sasakyan at doon ko napansin ang mamahaling kotse nito, isang itim na porsche panamera.
Seryoso? Anak ba siya ni Bill Gates? O kaya naman ni Oprah na balita ko namimigay ng mga sasakyan sa audience niya? Masyado na akong pala-isip. Baka naman hiniram lang sa barkada? Ewan ko, hindi ko siya kilala. Yun nga eh, hindi ko siya kilala pero sumama ako sa kanya.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko nang makapasok at makaupo sa front seat ng kotse niya.
"Can't understand remember" Sagot niya sabay liyad ng mata pero may ngiti pa rin sa kanyang mga labi.
"Ay sorry." Sabi ko. Ang hirap naman nito dapat hindi na ako sumama kung alam kong dudugo lang ang ilong ko. "I mean, where are we going?"
"Aren't you gonna ask for my name first? You know, you were inside the stranger's car?" Napansin ko ang pagtaas ng isang kilay nito habang nag-umpisa nang magmaneho.
Hindi ako nakasagot.
"I'll take that silence as a yes . . . Jade."
"Jade?"
"Jade Olivia Henares, 21, photographer and owner of a flower shop somewhere in Tagaytay, you can get your phone and take a picture or record a video while I'm talking as an evidence just in case."

YOU ARE READING
The Welsh Maiden
Storie d'amore"Everything I want will come to me at the perfect time. She's mine to keep. Only MINE." WARNING: This book explores themes about obsession, death, childhood trauma, depictions of violence, explicit sexual content, and other possible triggers. Reader...