Kabanata 6

24.3K 948 339
                                    

Connection


Simula no'ng pagkakabanggaan namin sa isa't isa, hindi ko akalain na aabot kami sa ganito, na magiging magkaibigan kaming dalawa. At dahil bakante ako ng apat na araw, si Jade ang naging kasama ko dahil ikanga niya, "walang mangyayari sayo kung tatambay at tutunganga ka lang dyan" sabay hila sa akin palabas.

Akala ko nga magmumukha akong alalay niya kasi sa unang araw namin, waldas-dito-waldas-doon ang ginawa ni Jade at kung ano ang makita niya, bibilhin niya agad. Pero sa bawat bili niya sasabihin niyang, 

"Althea here, I'm sure it will looks good on you, try it!"

Siyempre bilang dalagang praktikal may pa-kaunting silip muna ako sa price tag, 

"Jade 1k para sa t-shirt? Huwag na jusko wala akong pambili" sabi ko.

Pero itong si Jade mapilit talaga, siya na ang nagbayad ng lahat. Nakakahiya man pero wala naman akong magawa. Kada-swipe ng card niya napapapikit nalang ako. Kung siya puro bili, ako naman puro thank you. Sabi ko nga next time dapat wala ng libre kasi hiyang-hiya na talaga ako. Sabi naman niya, "Sabi mo kasi, kung sino ang nagyaya, siya ang taya."

Sa pangalang araw na bakasyon ko we had an agreement. Sabi ko ako naman ang taya, pumayag naman siya. Hindi ko na rin pinagamit sa kanya ang kotse kaya nag-commute nalang kami. Habang nasa biyahe ay panay lang ang kuwentuhan namin mostly about sa pag-aaral ko, sa business niya and some random things hanggang sa marating namin ang tambayan ng barkada.

Sa Rompeolas kami nagpalipas ng araw. I let her try our usual comfort foods, we also had selfies and at six in the evening, nanood kami ng street dance doon mismo sa pier at nakinig ng OPM songs na itinutugtog ng gitarista sa may waiting shed. Simple lang ang kabuuan ng pamamasyal namin pero nakita ko ang abot langit na ngiti ni Jade. Her genuine smile means a lot to me. Siguro sa tanan ng buhay niya ay hindi pa niya nararanasan ang ganito, kaya ganun nalang ang saya naming dalawa.

On our third day mas nakilala ko pa siya on a deeper level. Kami lang na dalawa ang naiwan sa boarding house dahil umuwi ang apat sa kani-kanilang pamilya. So Jade and I decided to talk about some personal stuff kasi hindi rin naman kami makalabas sa sobrang lakas ng ulan. Habang nakahiga kaming dalawa sa taas ng double deck at habang nilalantakan ang barbecue flavored pringles na binili ko nung isang araw, Jade kept on talking about her life outside the country.

Her mom is an obstetrician dito sa Pilipinas at ang daddy naman niya ay isang retired army sa Europe. She was born here in the Philippines pero doon siya pinalaki sa Wales. Palipat-lipat sila ng bahay dahil sa business ng family niya. Simula nung iniwan ng mommy niya ang pagiging doktor dito sa Pilipinas, nag-invest nalang ito sa negosyo ng asawa.

Sabi ni Jade naging nightmare sa kanya ang pagpasok sa eskwela because of the language barrier. She became a freak and a weirdo kasi mas natutunan niya ang pagsasalita ng tagalog kaysa ingles dahil sa impluwensya ng mommy niya. So her parents decided to take Jade into homeschooling. She even took ballet and cooking classes during her free time. Sa kuwento palang niya ay alam ko nang matalinong bata si Jade pero mas namangha ako nung sinabi niyang na-accelerate siya ng dalawang taon.

Jade is a real deal. Complete package kumbaga. Maganda na, mabait, sobrang talino pa. Kaya nga nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon walang nagtatangkang manligaw sa kanya. Whoever that guy is, sobrang swerte niya kung sakali. If I was given a chance to pursue Jade, hindi ko na siya pakakawalan pa.

I was about to ask her tungkol sa friendship nila ni Kathleen nang maramdaman ko ang pagbigat ng ulo niya sa balikat ko. Nakatulog na si Jade sa kaka-kuwento. Alas singko na ng hapon pero sobrang lakas pa rin ng ulan at katulad ni Jade ay para na rin akong dinuduyan sa pagtulog kaya wala pang sampung minuto ay nakaidlip na rin ako.

The Welsh MaidenWhere stories live. Discover now